Broadcast frequencies ng ABS-CBN TV at radio stations binawi na ng NTC

Imahe mula sa ABS-CBN
  • NTC binawi na lahat ng broadcast frequencies ng ABS-CBN
  • Kabilang rito ang Channel 2, DZMM at lahat ng radio at TV regional stations sa lahat ng bahagi ng bansa
  • Dalawang buwan na ang nakalipas simula nang mabigong makakuha ng bagong prangkisa ang Kapamilya network

Dalawang buwan matapos mabigong makakuha ng panibagong prangkisa, ipinababawi na ngayon ng National Telecommunications Commission (NTC) ang lahat ng broadcast frequencies na naka-assign sa mga TV at radio stations ng ABS-CBN.

Sa inilabas na desisyon ng NTC nitong Huwebes, idnetalye ng ahensiya ang timeline simula nang maglabas ito ng cease and desist order (CDO) laban sa Kapamilya network noong Mayo 4 hanggang sa naging desisyon ng Kamara na ibasura ang bagong prangkisa noong Hulyo 10.

Imahe mula sa Facebook-DZMM

Mayo 5 pa lamang ay tumigil na sa pag-ere ang ABS-CBN bilang tugon sa utos ng NTC subalit umaasang makakuha ng bagong prangkisa sa Kamara pero nabigo ito.

Noong Agosto 25, tuluyang naselyuhan ang kapalaran ng ABS-CBN franchise nang maglabas ang Korte Suprema ng kautusan pabor sa NTC matapos kuwestiyunin ng istasyon ang CDO.

Imahe mula sa Facebook-DZMM

“We now resolve respondent has no valid franchise to continue operating television and radio broadcasting stations nationwide,” ayon sa NTC order na may petsang September 9.

Kabilang sa binabawing frequency ng NTC ay ang flagship radio station ng ABS-CBN na DZMM (630 kHz), Channel 2, Channel 43, Channel 16 at Channel 23 na pawang nasa Metro Manila. Binabawi na rin ang frequency ng lahat ng AM stations, FM stations at regional TV stations ng Kapamilya network sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Imahe mula sa ABS-CBN News

“The denial of respondent’s franchise renewal application by Congress, coupled with the denial of respondent’s petition by the Supreme Court, lead to no other conclusion except that respondent had already lost the privilege of installing, operating, and maintaining radio broadcasting stations in the country,” ayon sa NTC.

“Consequentially, absent a valid legislative franchise, the recall of the frequencies assigned to respondent is warranted,” dagdag pa ng nasabing kautusan.

Loading…