BuCor chief Gerald Bantag, 3 pang empleyado nagpositibo sa COVID-19

Imahe mula sa ABS-CBN News
  • Dinapuan ng COVID-19 si BuCor chief Director General Gerald Bantag
  • Kasama ring nagpositibo sa virus ang kaniyang driver at security aide pati ni si Asec Chaclag
  • Sumailalim na sa 14-day quarantine ang opisyal at kaniyang mga kasamahan

Kinumpirma ni Bureau of Correction (BuCor) chief Director General Gerald Bantag na nagpositibo siya sa coronavirus pati na ang tatlong empleyado kabilang na ang isa pang mataas na opisyal.

Ayon kay Bantag, positive sa COVID-19 ang kanilang test results mula sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na natanggap nila nitong Linggo, Setyembre 20.

DG Gerald Bantag| Imahe mula sa PNA

“I’m confirmed COVID positive,” ayon sa text message ni Bantag sa mga mamamahayag nitong Lunes.

Base rin sa ulat ng ABS-CBN News, apat na umano silang nagpositibo kabilang na si BuCor Spokesperson at ASec Gabriel Chaclag na dinapuan din ng virus noong nakaraang linggo.

“Apat na kaming positive. Tatlo tinrangkaso, tapos isa driver ko unang nagpositive, tapos isa security ko, tapos si (Asec) Gabby, tapos ako na,” bahagi ng opisyal.

Kuwento ni Bantag, nakaramdam siya ng mga sintomas tulad ng lagnat, ubo at paggiginaw ng katawan.

Screenshot mula sa BuCor Facebook

Bago pa man umano siya nagpositibo, nakaramdam na pala ng mga katulad na sintomas ang kaniyang driver at security subalit hindi ito nagsabi sa kaniya o sa health services ng BuCor. Nagkatrangkaso daw pala ang mga ito at inakalang ordinaryong lagnat lamang.

Sa ngayon, sumailalim na sa 14-day quarantine si Bantag at ang kaniyang mga kasamahan. Vitamin C at paracetamol lang daw ang kaniyang iniinom at nawala na ang kaniyang pagtsi-chill makaraan ang dalawang gabi.

Tiniyak naman ng opisyal na patuloy pa rin siyang magtatrabaho kahit na naka-quarantine.

Loading…