C2 Lemon Green Tea, natanggap ng netizen na umorder ng “realme C2”

Image by Control_Important via Reddit | Image by Donna Marie P. Padrones via Facebook
  • Larawan ng cellphone box ng realme c2 pero C2 Solo Lemon Green Tea ang laman, trending sa Reddit
  • Sabi ng isang netizen, “literal na real me c2” sabay dagdag ng tumatawang emoji
  • May mga online shoppers na ang nakaranas mapalitan ng bato, maruming damit ang kanilang inorder online

Hindi na pangkaraniwan ang kuwento ng mga bumili ng produkto online pero nang dumating ay iba ang nasa loob. Mahirap ding malaman kung sino ang nagkulang/nagpalit, kung ito ba’y sa e-commerce store, sa third-party shop, delivery service o ang mismong buyer.

Image by Control_Important via Reddit

Kamakailan lamang ay nag-trending sa Reddit Philippines ang larawan ng isang mukhang kade-deliver na parcel kung saan makikita ang box ng cellphone product na realme c2 pero ang nasa loob ay isang C2 Solo Lemon Green Tea.

Komento ng isang netizen, “literal na real me c2” at dinagdagan pa niya ito ng tumatawang emoji. May nagsabi naman na ito raw ang “realme juice.”

“Now don’t waste a good C2, drink it,” saad naman ng isa.

Ang Realme C2, produkto ng Realme na sub-brand ng kompanyang Oppo, ay isang entry-level smartphone na nagkakahalaga ng P5,490.00 hanggang P6,490.00 depende sa specifications.

Kilala ito sa magandang disenyo, maganda ang kapasidad ng baterya at maayos na audio sa murang halaga.

Samantala, ang C2 Solo ay inuming kalimitang nabibili sa mga tindahan at nagkakahalaga ng P10.00.

Estudyanteng umorder ng laptop online, tatlong bato ang natanggap

Umani rin ng reaksyon online kamakailan ang isang kuwento ng 3rd year Hospitality Management student na si Arthur Baylon.

Umorder si Arthur ng P23,699.00-halaga ng laptop na gagamitin sana niya sa online class pero tatlong malalaking bato ang laman ng kanyang package nang dumating ito.

Imahe mula kay Jennylyn Perez Pulmones

Agad naman niyang ipina-blotter ang pangyayari at humingi ng tulong ang kaanak sa programang Raffy Tulfo in Action.

Babaeng umorder ng P7K g-chair online maruming damit ang natanggap

Gayundin ang nangyari kay Facebook user Ma Sienaden na umorder ng P7,000.00-worth gaming chair noong August 8. Excited pa naman umano siya yamang anniversary gift niya ito sa kanyang boyfriend kaso napaiyak na lamang nang isang maruming damit ang dumating.

Sana’y matigil na ang kalakarang ganito.

Image by Ma Sienaden via Facebook

Loading…