Call center agent, 25, nakapagpundar ng sariling bahay: “Mabuhay mga bayaning puyat!”

Image by Sam Blanca via Facebook
  • 25-taong-gulang nakapagpundar na ng sariling bahay dahil sa pagtatrabaho bilang call center agent
  • Ani Sam Blanca: “Kung nagawa ko, magagawa n’yo rin!”
  • Wika pa niya, ang pagtupad sa pangarap ay dadaan sa maraming pagsubok pero ‘wag bibitiw

Sulit ang pagsusumikap ni Facebook user Sam Blanca dahil sa nasa apat na taong pagtatrabaho bilang call center agent ay nakapagpundar na siya ng sariling bahay sa edad na 25. Wow!

Image by Sam Blanca via Facebook

Pagkukuwento ni Sam, nagsimula siya bilang CSR noong siya’y 22-taong gulang. Nag-aaral pa lamang siya noon kaya’t nagtatrabaho sa gabi at eskuwela naman sa araw. Nag-resign siya nang malapit na ang kanyang pagtatapos.

Lumipat siya sa ibang kumpanya kung saan niya naranasang ma-promote bilang SME. Tumagal siya rito ng dalawa’t kalahating taon at malaki ang naging ambag nito sa kanyang karera. Dumaan siya sa isa pang BPO company pero umalis din agad dahil sa pulitika sa loob ng kumpanya.

Sa pang-apat niyang pinagtrabahuan ay bumalik siya sa pagiging ahente. Kaya lamang ay nag-resign siya dahil sa constant changes sa bawat account at pinalipat sila sa “toxic” na account na hindi umano pabor sa rest day niya at hindi pasok sa job description na pinirmahan.

Sa panlima ay ipinangako na niya sa sariling ito na ang panghuling BPO company na papasukan niya sa industriya.

Aniya, hindi madali ang pagtupad sa pangarap at dadaan sa maraming pagsubok pero ‘wag bibitaw.

“‘Wag mong ikahiya na sa call center ka nagtatrabaho. Just wanna share my experiences kung ano ang naipundar ko for 4 years working in this industry. Mabuhay ang mga bayaning puyat!

“Kung nagawa ko, magagawa n’yo rin!”

Image by Sam Blanca via Facebook

Umani ng papuri mula sa mga netizens ang pagsusumikap ni Sam. Nakaabot na sa 8,400 reaksyon at nasa 3,600 pagbabahagi ang update habang ipino-post ito.

Saad ng isa, “Kudos Sir. Saludo po talaga sa mga nag-iinvest ng house and lot. Investing wise dahil nag-aappreciate ang value. God bless.”

Komento ng iba, “Sana all nakakaipon sa pagwo-work as call center agent. Resibo lang eh. Hahaha.”

Image by Sam Blanca via Facebook
Source :

Facebook

Loading…