Catholic school kung saan nagtuturo ang guro na nag-edit sa larawan ni Pres. Duterte, umaksyon

Imahe mula sa PCOO
  • Senior high school teacher na malisyosong nag-edit sa litrato ni Pangulong Duterte kinastigo na ng Catholic school kung saan siya nagtuturo
  • Humingi ng paumanhin sa publiko ang Maryhill College, Inc. sa ginawa ng isa sa kanilang mga guro
  • Ang guro ay nauna nang humingi ng kapatawaran kay Pangulong Duterte, sa DepEd, mga estudyante at pamilya dahil sa kanyang ginawa

Naglabas na ng official statement ang isang Catholic school kung saan nagtuturo ang teacher na malisyosong nag-edit ng larawan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Imahe mula sa Northbound PH

Ayon sa pahayag ng Maryhill College, Incorporated sa Lucena City, hindi nila kinukunsinti ang ginawa ng isa nilang senior high school teacher na nagmanipula sa litrato ni President Duterte nang magpatirapa ang Pangulo sa Jolo bilang pagpapakita ng kababaang-loob, pagrespeto sa mga kapatiran nating Muslim at paggalang sa Diyos.

Sa edited photo na ginawa ng gurong si Laarni Villaluz, pinagmukha niyang kumakain ng dog food mula sa dog food bowl ang Pangulo. Makikita rin sa edited na larawan ang isang sako ng popular na dog food at ang text na nagsasabing “explore your dog’s curiosity.”

“We deeply regret the recent incident being attributed to one of our school teachers relative to an online post that has gone viral depicting the President of the Republic of the Philippines in a disrespectful and distasteful manner. The Maryhill College, Inc. does not and will not countenance any act – contrary to law, morals, or public policy – by any of its personnel,” bahagi ng pahayag ng Catholic school.

Tiniyak ng nasabing paaralan na gumawa na ng karampatang aksyon ang school administration kaugnay sa isyu.

“We wish to assure everyone that the school administration has already initiated the appropriate administrative action in relation to this matter.”

Imahe mula sa Maryhill College, Inc.

Si Villaluz ay nauna nang humingi ng kapatawaran kay Pangulong Duterte matapos niyang makatanggap ng mga batikos dahil sa ginawa. Humingi na rin siya ng dispensa sa Department of Education at sa teachers’ community, gayundin sa kanyang mga estudyante at pamilya.

Source :

Facebook, DZAR

Loading…