Catriona pormal nang nagsampa ng kaso laban sa tabloid dahil sa kumalat na ‘pekeng larawan’

Screenshot mula sa Instagram ni Atty. Joji Alonso
  • Nagsampa na ng unang kaso ang kampo ni Catriona Gray laban sa isang tabloid
  • Nag-ugat ang reklamo sa diumano’y pekeng larawan na ipinakalat ng pahayagan
  • Dati nang humingi si Catriona ng P10-M na danyos at public apology mula sa tabloid

Pormal nang sinampahan ng kaso ng kampo ni 2018 Miss Universe Catriona Gray ang isang tabloid na itinuturong nasa likod umano ng pekeng larawan ng beauty queen na kumalat sa balita.

Kinumpirma ito ng abogado ni Catriona na si Atty. Joji Alonso. Nagbahagi rin ng larawan si Alonso sa kaniyang Instagram kung saan makikita ang Fil-Australian beauty na nanunumpa sa harap ng prosecutor’s office.

Imahe mula sa Facebook ni Catriona Gray

“The first case has been filed before the Quezon City Prosecutors Office while we await the results of the NBI investigation on the identification of other respondents,” anang caption ni Atty. Alonso.

BASAHIN: Tabloid nagpaliwanag sa pagsasapubliko ng ‘pekeng larawan’ ni Catriona Gray

Ayon sa ulat ng Inquirer, kasama sa sinampahan ng reklamo nitong Biyernes, Setyembre 18,  sina Janice Navida at Melba Llanera ng pahayagang Bulgar. Si Navida ay entertainment editor habang si Llanera naman ay writer ng nabanggit na tabloid.

Magugunitang humingi ang kampo ng dating Miss Universe ng halagang P10-M mula sa Bulgar bilang danyos umano dahil sa pagpapakalat ng kaniyang ‘pekeng larawan’ noong Hulyo.

Screenshot mula sa Facebook post ni Atty. Joji Alonso

Bukod dito, humihingi rin si Catriona ng public apology mula sa nasabing tabloid.

Catriona humihingi ng danyos na P10-M mula sa tabloid dahil sa kumalat na ‘pekeng larawan’

Nagpaliwanag na rin ang Bulgar na ang intensyon nila sa pagsasapubliko ng kumalat na edited na larawan ay hindi upang sirain ang reputasyon ni Catriona kundi tulungan siyang linisin ang kaniyang pangalan ukol dito.

“That’s why when we learned about your clarification on the matter, we quickly posted your camp’s statement on our Facebook page and website to enlighten everybody about the controversial photo,” ayon pa sa naging pahayag dati ng Bulgar.

Loading…