Cavite Gov. Jonvic Remulla, natawa sa edited video na tila kinikilig si Harry Roque sa kanya

Screenshot mula sa Twitter video
  • Nakatutuwang edited video ng pag-uusap nina Harry Roque at Cavite Gov. Jonvic Remulla kumalat sa social media
  • Natawa si Gov. Remulla sa video kaya ibinahagi rin niya iyon sa Instagram account niya
  • Ayon sa gobernador, kailangan natin paminsan-minsan ng laughtrip

Isang nakatutuwang edited video ng pag-uusap si Presidential Spokesperson Harry Roque at Cavite Governor Jonvic Remulla sa pamamagitan ng Zoom call ang kumalat sa social media na nakatawag ng pansin ng gobernador.

Screenshot mula sa Twitter video

Sa in-edit na video na nakapost sa Twitter, pinagmukhang “in love” si Harry Roque sa gobernador. Nilagyan ang video ng mga heart emojis na tila nanggagaling sa presidential spokesman habang nakangiti itong kinakausap si Gov. Remulla.

Nilagyan pa iyon ng background music na si Darren Espanto ang kumanta – ang “In Love Ako Sa ‘Yo” kaya natawa si Gov. Remulla.

“Hahaha,” tweet ng gobernador.

Ibinahagi ni Gov. Remulla ang video sa kanyang Instagram account. Paminsan-minsan daw ay kailangan natin ng laughtrip. Itinag niya pa si Roque sa post.

“Because once in a while, we all need a LAUGHTRIP @harryroque,” sabi ng gobernador sa Instagram post niya.

Screenshot n g tweet ni Gov. Jonvic Remulla

Wala pang komento o reaksyon si Harry Roque sa naturang video na umani na ng mahigit pitong libong views sa Instagram account ni Gov. Remulla at mahigit 117,000 views sa Twitter.

Si Roque at Gov. Remulla ay malapit na magkaibigan kaya ganoon na lang kung magbiruan ang dalawa.

Ayon sa gobernador, kawahig ni Roque ang kapatid niyang si Congressman Jesus Crispin “Boying”  Remulla.

Screenshot mula sa Twitter video

Alam niyo si Secretary ay matagal ko nang kaibigan. Siya ay kamukha ng aking kapatid na si Boying. Sila ay magkaibigan noong law school at sila po ay nagkapalitan ng mukha habang sila ay nag-aaral,” anang gobernador sa isang press conference noong Agosto kung saan nakasama niya ang Presidential spokesman.

Biniro rin niya si Roque tungkol sa “fake” nitong buhok.

“Fake news po na ako ay lumalaban sa gobyerno dahil hindi kami nagkakatugma ng pananaw tungkol sa paano ang pagpapatakbo dito sa krisis. Ito po ay kasing fake ng buhok ng aking katabi (Roque),” aniya.

Screenshot mula sa PTV video

Game naman sa pakikipagbiruan ang tagapagsalita ng Pangulo. Sinagot niya ang sinabi ni Gov. Remulla na kamukha niya si Cong. Boying Remulla.

Sabi ni Roque, hindi raw si Boying ang kamukha niya kundi si Jonvic, na kilala sa Cavite sa tawag na Gov. Pogi.

 

Loading…