Cavite Gov. Remulla nag-sorry sa pag-isyu ng travel warning sa Tagaytay City

Imahe mula sa Facebook account ni Gov. Jonvic Remulla
  • Cavite Gov. Jonvic Remulla humingi ng paumanhin sa pag-isyu ng travel warning sa Tagaytay
  • Paliwanag niya, nag-react daw siya sa pahayag ng JTF COVID-Shield na kailangan ang travel pass kapag mamamasyal sa tagaytay
  • Nilinaw niya na hindi na kailangan ang travel pass upang makapamasyal sa malamig na Tagaytay City, ngunit kailangan pa rin ng ibayong pag-iingat

Kasunod ng desisyon na ginawa ng city government ng Tagaytay na buksan na sa mga turista ang siyudad kasunod ng pagdedeklara sa buong Cavite ng modified general community quarantine ay nag-isyu si Cavite Governeor Jonvic Remulla ng babala tungkol sa pagtungo sa nasabing lugar.

Imahe mula sa City Government of Tagaytay

Pinaalalahanan ng gobernador ang publiko na bagama’t malamig at masarap pasyalan ang Tagaytay sa panahon ngayon ng Setyembre, pakaiwasan daw muna ang leisure travel dahil high-risk na makakuha ng COVID-19 kapag malamig ang lugar, lalo’t hindi pa naman humuhupa ang pandemya.

BASAHIN: Cavite Governor Jonvic Remulla nagpaalala sa publiko; leisure travel iwasan muna

Ngunit isang araw lang ang nakalipas ay humingi si Gov. Remulla ng dispensa sa pag-isyu ng travel warning sa Tagaytay.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook (FB) account ay humingi siya ng paumanhin sa kanyang padalos-dalos na desisyon.

“On behalf of the Cavite Provincial Government, I would like to apologize for the hasty decision to issue a travel warning to Tagaytay City last September 15,” saad ni Gov. Remulla sa kanyang FB post.

Paliwanag niya, nag-react daw kasi siya sa statement ni Joint Task Force COVID-Shield commander Lt. Gen. Guillermo Eleaza na kailangan ang travel pass kapag magtutungo sa Tagaytay City.

Sa kanyang post, nilinaw ng gobernador na hindi na kailanganng travel pass upang makapamasyal sa Tagaytay.

Imahe mula sa Facebook account ni Gov. Jonvic Remulla

“Sa kasalukuyan, bukas po ang Tagaytay City under MGCQ at hindi po kinakailangan ng TRAVEL PASS para makarating dito,” aniya.

Ibayong pag-iingat ang payo niya hindi lang sa mga turista kundi para sa lahat lalo na’t hindi pa naman nawawala ang banta ng COVID-19.

Loading…