Christmas parties sa Quezon City gov’t offices kanselado muna – Mayor Belmonte

Imahe mula sa Trip Advisor
  • Kanselado muna ang lahat ng Christmas parties sa mga tanggapan ng Quezon City hall
  • Naglabas ng memorandum si Mayor Joy Belmonte para gawing pormal ang kautusan
  • Ibibigay na lang daw sa mga nangangailangan ang perang malilikom bilang donasyon

Kanselado na muna ang mga Christmas parties sa lahat ng tanggapan ng pamahalaang lungsod ng Quezon City ayon kay Mayor Joy Belmonte.

Ito ay upang magamit ang perang gugugulin dito sa pagtulong sa mga mahihirap na residente ng lungsod lalo na ngayong may umiiral na coronavirus pandemic.

Imahe mula sa Facebook – QC Gov’t

Ayon kay Mayor Belmonte, hindi magandang tingnan na nagsasaya ang kanilang tanggapan sa darating na Pasko habang wala namang halos makain ang ilan sa kanilang constituents.

“The money that would have been spent on office Christmas parties would do more good as donations,” anang alkalde sa pahayag nitong Martes.

Dahil dito, naglabas ng memorandum si Mayor Belmonte na nag-aatas sa lahat ng departamento ng city hall na mag-adopt ng isang ‘underprivilidged sector’ tulad ng mga urban poor, displaced workers, jeepney drivers, street vendors, indigent children at mahihirap na senior citizens.

Kailangang makipag-ugnayan umano ang mga ito sa City Social Services and Development Department upang malaman kung anong sektor ang kanilang napili bago sumapit ang ika-30 ng Setyembre.

Imahe mula sa Wikimapia

“The representative may be a non-government organization, civic group, charity, association or similar organization,” wika ng memorandum.

Hinikayat din ng opisyal na i-donate ang kaparehong halaga ng perang malilikom para sana sa kanilang Christmas party at kailangang magawa ito bago dumating ang Disyembre 23.

“Ang diwa ng Pasko ay pagmamahal at pagtulong sa kapwa. Mas mahalaga ito kaysa anumang uri ng pagdiriwang,” ayon pa sa alkalde.

Loading…