Classic na Chinese Restaurant na “Emerald Garden” sa Maynila, magsasara na rin

  • Nalungkot ang isang netizen sa pagsasara ng isa sa mga classic Chinese restaurants sa Maynila
  • Ito ay ang Emerald Garden Chinese Seafood Restaurant na isa rin sa mga pinadapa ng pandemya
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens

Marami sa mga negosyo, lalo na ang mga restaurants, ang tuluyan nang nagsara dahil sa kanilang pagkalugi dulot ng pandemya. Sikat man o ordinaryo, matagal na o bago pa lamang, hindi pinalagpas ng bagsik ng COVID-19. Isa na rito ang classic Chinese restaurant na “Emerald Garden.”

Hindi napigilan ng isang netizen na nagngangalang “Aaron Enera Yao” ang kaniyang pagkalungkot nang mabalitaan ang pagsasara ng Emerald Garden.

Ayon sa kaniyang Facebook post, punumpuno ng alaala para sa kaniya at sa kaniyang Papa ang naturang lugar.

Imahe mula sa Facebook account ni Aaron Enera Yao/Public Domain Image

“Monthly meeting with Yao’s Association. Sumasama pa ako kay Papa at sa Tito ko. Now close na,” ayon sa kaniyang caption.

Bagay na ikinalungkot din ng iba pang mga netizens.

“Ohhh! So sad naman, super mami-miss ko ang resto na ito. Huhuhu, wala na iyong super sarap na siopao at pansit” sabi ng isang avid customer.

Turan naman ng isa, “Sad. Dami naming happy memories diyan, isa na roon ang muntik na kaming maiwan ng motorcade kaka-picture sa CR, then sinundo pa kami ni Mayor.”

“Marami nang dumaang bagyo, pero COVID-19 lang pala ang magpapadama rito. Bakit kaya sinara, marami namang customers iyan from breakfast, lunch and dinner saka masarap pagkain infairness,” wika naman ng isa.

Panghihinayang naman ng isa, “Ni hindi ko man lang natikman ung Buddah Soup nilang 9,000 pesos. It was my goal na matikman yun one day! Paano na lang?”

Public Domain Image

Ang Emerald Garden Chinese Seafood Restaurant ay matatagpuan sa Ermita, Maynila. Kilala ito sa authentic Chinese dishes at sariwang seafood noon pang 80’s. Panlaban nila sa menu ang Spinach Soup, Sea Food, Dumplings, Diced Chicken, Shrimp Salad, Roasted Pork, Siopao, at marami pang iba.

Loading…