Coleen Garcia ipinagdiwang ang unang kaarawan bilang isang ina

Imahe mula sa Instagram | Coleen Garcia at Billy Crawford
  • Naging maligaya ang pagdiriwang ng aktres na si Coleen Garcia ng kaniyang ika-28 na kaarawan dahil sa kaniyang anak na si Amari
  • Kuwento ni Coleen, noon ay hindi niya ipinagdiriwang ang kaarawan
  • Ngayong dumating na ang panganay nila ng asawang si Billy Crawford ay naging espesyal daw ang kaniyang birth month dahil pareho sila ng anak na isinilang ng Setyembre

Naging makahulugan ang pagdiriwang ng kaarawan ng first-time mom na si Coleen Garcia, 28.

Imahe mula sa Instagram | Coleen Garcia

Sa isang Instagram post ay inamin ni Coleen na noon ay hindi siya interesado sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan ngunit dahil dumating ang kaniyang little angel na si Amari sa kaniyang birth month ay may rason na siya upang magdiwang.

Nagpasalamat din siya sa lahat ng mga gumawa ng paraan upang ipadama sa kaniya ang pagmamahal sa una niya kaarawan bilang isang ganap na mommy.

“Thank you for all the birthday greetings, and for making me feel extra loved today. I haven’t had much time for anything other than catering to our baby, but this time has been so special, and I know it’s gonna go by fast,” sabi ni Coleen.

Sa ngayon daw ay nag-a-adjust pa siya sa bagong yugto ng kaniyang buhay matapos isilang si Amari noong Setyembre 10.

Imahe mula sa Instagram | Coleen Garcia

“The past couple of weeks have been challenging, but I’m so, so thankful and incredibly blessed and determined to be the best I can be,” aniya pa.

Samantala, binati rin siya ng kaniyang asawang si Billy Crawford na nagsabing bagama’t para kay Coleen ay hindi espesyal ang araw na ito ay espesyal ito para sa kanilang mga nagmamahal sa kaniya.

Nagpasalamat din si Billy sa lahat ng mga sakripisyo ni Coleen para sa kanilang pamilya.

“You are the toughest, strongest, smartest, beautiful, wonderful, I mean, I can go on and on and on. But I really just want to thank you for everything! I praise God for you.”

Maligayang Kaarawan, Mommy Coleen!

Loading…