Coñotic na babala upang hindi maistorbo ang online class, kinaaliwan

  • Ikinaaliw ng mga netizens ang pasosyal o coñotic na babala upang hindi maistorbo ang online class
  • Nakasaad dito ang “Online class on-going. Do not disturb and make utos please!” 
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens

Isa sa mga hamon ng pagsasagawa ng online class, bukod sa mababang signal ng internet connection at gagamiting devices, ay ang mga external noises o panlabas na ingay na maaaring makaistorbo sa maayos at malinaw na daloy ng mga talakayan, lalo na sa synchronous learning o pagkaklase ng guro sa pamamagitan ng online class.

Kaya naman, kinaaliwan sa social media ang isang coñotic na babala upang hindi maistorbo ang online class, na ibinahagi sa Facebook page na “Quezon Trending News” na nagmula umano sa Facebook user na si Pamela Isles Alcairo.

Imahe mula sa Facebook page na Quezon Trending News

“Online class on-going. Do not disturb and make utos please!” saad sa caption, na maaaring pumapatungkol sa mga magulang.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Parents are not supposed to disturb their children while having an online class, right?” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Sa work naman, dapat iyan ‘Zoom meeting ongoing, do not disturb and make utos please hahaha, I think kailangan natin talagang mag-adapt sa ganitong kalagayan na natin.”

“Paano naman kapag module ang pinili? Dapat ganiyan din. ‘Modular learning! Don’t disturb and make utos please!” saad naman ng isa.

Paalala sa mga taong may kapitbahay na alam ninyong dumadalo sa mga online class, maging sensitibo sa paglikha ng mga ingay kagaya ng pagpapatugtog nang malakas, pagbi-videoke, pakikipag-usap, at iba pang makapagdudulot ng istorbo sa kanila.

Public Domain Image

Para naman sa mga nag-oonline class mapa-guro o mag-aaral, makabubuting pumili ng isang conducive na lugar kung saan pupuwesto na malayo sa mga tiyak na makaiistorbo sa iyo. Kung wala naman, maaaring kausapin ang mga kapitbahay na huwag mag-ingay o iwasan ang mga gawaing makapupukaw sa iyong atensyon.

Loading…