Contact tracing app na ginagamit sa Maynila planong gamitin sa buong bansa; ilang netizens nangangamba

Imahe mula sa StaySafePH
  • Planong palawigin sa buong bansa ang contact tracing app na ginagamit sa Maynila
  • May pangamba naman ang ilang mamamayan na baka gamitin ng military ang app sa surveillance dahil sa GeoLocator feature nito
  • Tiniyak ng developer na tanging mga confirmed COVID-19 cases lang ang makikita ng StaySafe app

Gusto na ring gamitin ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases at National Task Force (NTF) against COVID-19 sa buong bansa ang contact tracing mobile app na ginagamit sa Lungsod ng Maynila.

Imahe mula sa StaySafePH

Nagpahayag  naman ng pangamba ang ilang mamamayan na baka gamitin daw iyon ng militar sa surveillance.

StaySafe ang pangalan ng contact tracing mobile app na awtomatikong nagsasagawa ng contact tracing at nagbibigay ng babala sa gumagamit nito sa banta ng COVID-19 infection.

Sabi ni Manila Mayor Isko Moreno, makatutulong ang mobile phone application na manatiling ligtas ang gumagamit nito habang nasa labas ng tahanan.

“It will help a lot of businesses and individuals to go back to work and move around one way or another to be safe while outside of their premises,” ani  Yorme.

Ipinakita ng developer nito kung paano gumagana ang StaySafe app.  Sa pamamagitan ng app ay makikita ang mga identified na may COVID-19 pati na ang mga asymptomatics. Madali umanong magagawa ang contact tracing gamit ang StaySafe system kung ida-download ito ng mayorya ng mga mamamayan.

Imahe mula sa StaySafePH

Dahil may GeoLocator ang app ay nagpahayag ang ilang netizens ng pangamba na baka gamitin ito ng militar sa surveillance ng mga taong gumagamit ng app.

Tiniiyak naman ng developer na ang mga kumpirmadong COVID-19 cases lang ang makikita sa app.

“Mali po ang impression na kapag nag-download ka ng StaySafe ay parang nasu-surveillance. Hindi. There’s no surveillance on the individual who is gonna  download StaySafe. Only the confirmed cases. “yun lang po,” ani David Almirol ng Multisys, ang developer ng StaySafe app.

Sa oras na i-download ng user ang app ay may sasagutang health reporting system upang malaman kung may sintomas siya ng COVID-19.  Kung may sintomas ang user at napalapit siya sa isa pang user ng app ay awtomatikong magpapadala ng alert ang StaySafe.

Screenshot mula sa GMA video

Kayang mag-generate ng sariling QR Code ang app kaya sa halip na mano-manong mag-fill up ng health declaration forms ay i-scan lang ang QR code at maaari nang pumasok sa establisimyento.

Oobserbahan pa ng IATF ang pagtanggap ng publiko sa StaySafe app. Kung kinakailangan ay pagagandahin pa raw ang mga features nito upang masigurong gagamitin lang ito sa paglaban sa COVID-19 pandemic.

Loading…