Curfew hours, gusto ng DTI na iksian o kaya ay tanggalin na lang

Imahe mula sa PNA
  • Nais ng DTI na iksian o kaya ay tanggalin na lang ang curfew hours
  • Kung maiksi o walang curfew hours ay mas maraming customers ang mapagsisilbihan ng mga business establishments
  • Mas importante na pairalin ng bawat isa ang personal na disiplina upang sumunod sa mga health and safety protocols

Umaasa ang Department of Trade and Industry (DTI) na simula October 1 ay mas maraming negosyo ang papayagang makapag-operate. Nais din ng ahensya na sana ay iksian o kaya ay tanggalin na lang ang curfew hours upang maging mas mahaba ang operating hours ng mga establisimyento.

Imahe mula sa Presto

“Regardless of any quarantine, basta madagdagan sana ‘yung mga makakapag-operate na mga negosyo. Then sa curfew hours, kung pwedeng kaunti or tanggalin na lang all together, mas magiging pabor sa mga negosyo,” sabi ni Trade Undersecretary Ruth Castelo.

BASAHIN: DTI nakiusap sa LGUs na simulan ang curfew hours alas-dose ng hatinggabi

Nauna nang ipinahayag ni DTI Secretary Ramon Lopez na irerekomenda niya ang lifting ng curfew hours upang makapag-operate ang mga business establishments nang mas mahabang oras.

“We would like to suggest that so that these establishments can operate closer to normal, or the new normal,” ani Sec.Lopez noong nakaraang linggo.

Nilinaw ni Usec. Castelo na nais ng DTI chief na kahit walang curfew hours ay dapat pairalin ng bawat isa ang disiplina. Anuman ang quarantine status – general community quarantine (GCQ) o modified general community quarantine (MGCQ) – dapat ay sundin ng publiko ang health and safety protocols.

Imahe mula sa One News

“For Secretary Lopez kasi, regardless of any restriction, kahit MGCQ or GCQ pa lang, ang importante sa amin is ‘yung discipline. ‘Yung personal discipline, then following the protocols strictly,” ani Usec. Castelo.

Sabi pa niya, kapag ang Metro Manila ay inilagay sa mas maluwag na MGCQ, ang operational capacity ng mga business establishments ay itataas din, subalit kailangan pa ring sumunod sa minimum health protocols. Kung maiksi o wala nang curfew hours ay mas maraming customers ang mapagsisilbihan ng mga negosyo gaya ng restaurant at botika.

Imahe mula sa One News

Loading…