Daddy nagulat sa dumating na delivery; anak umorder pala ng pagkain online nang hiramin ang kaniyang cellphone

Imahe mula sa Facebook ni Angelito Respecia
  • Viral ngayon sa Facebook ang post ng isang daddy tungkol sa inorder na pagkain ng kaniyang anak
  • Hiniram lang daw ng bata ang kaniyang cellphone at mayroon nang dumating na delivery makaraan ang ilang oras
  • Marami naman ang natuwa at natawa sa cute na kuwento ng daddy

Isang daddy sa General Santos City ang nagulat matapos dumating sa kanilang bahay ang delivery ng pagkain samantalang wala naman silang inoorder.

Kuwento ni Angelito Respecia sa kaniyang Facebook post, hiniram ng kaniyang anak na lalaki ang kaniyang cellphone subalit hindi niya inaasahang may kakatok nang deliveries makaraan ang ilang oras.

“When he borrowed your phone and suddenly food panda came knocking at your door,” anang daddy na ibinahagi pa ang larawan ng mga order na pagkain.

Screenshot mula sa Facebook ni Angelito Respecia

Base sa screenshot ni Daddy Angelito, umabot sa P1,574 ang halaga ng pagkaing dumating sa bahay nila. Kabilang dito ang Buko Juice, Teriyaki Chicken, Bihon Guisado, Sweet and Spicy Chicken, at Capuccino Shake.

Mabuti na lamang, kahit paano, ay may automatic voucher ang kanilang order na nagkakahalaga ng P190 kaya umabot na lamang sa P1,147.90 ang kanilang binayaran.

Kaagad namang nag-viral ang nakatatawang post ni Respecia at sa kasalukuyan ay mayroon na itong mahigit 26,000 reactions at mahigit 18,000 shares.

Humakot rin ng mga nakatutuwang reaksiyon at komento sa social media ang ginawa ng bata.

Imahe mula sa Facebook ni Angelito Respecia

“I want a son or a daughter with a personality like that.. HAHAHAHAHAHAHHA.. gusto ko yung challenge at laughter someday…” ayon sa isang commenter.

“Haha tanda ko dati sa alcatel ni ate, ngsubscribe ako sa mga horoscope, ung 300 na load nging 50+ ata,” bigla namang naalala ng isa ang kaniyang sariling karanasan sa pagkalikot ng cellphone ng kaniyang kapatid.

“Ok lang yan food inorder nya kesa toys ang cute cute…Halata naman sa katawan na may pupuntahan ang mga pagkain,” sang-ayon din ng isang nag-react.

Ang iba naman, bagama’t natuwa rin, ay sinabing ayaw nilang gawin ito ng kanilang anak sapagka’t hindi nila alam kung may pambayad sila pagdating ng hindi inaasahang order. Lol

Loading…