Dalawang toneladang okra iniluwas sa Japan kung saan in-demand ang mga agricultural products

Imahe mula sa DA Communications Group
  • Okra, in-demand sa Japan
  • Iniluwas ang unang batch ng okra sa apat na pangunahing siyudad sa Japan
  • Kumikita ang magbubukid ng P90,000 hanggang P100,000 kada ektarya ng okra
  • Plano ng mga okra growers na magtanim sa 1,000 ektaryang plantasyon upang matugunan ang mataas na demand sa Japan

Sa kabila ng pananalasa ng COVID-19 pandemic sa ekonomiya ng sa buong mundo, pinangungunahan  naman ng Department of Agriculture (DA) ang economic recovery sa Pilipinas sa pamamagitan ng pag-export ng agricultural products sa Japan kung saan in-demand ang mga ito.

Imahe mula sa Punto

Nitong Martes, September 29, ay iniluwas ang unang batch ng okra sa apat na major cities ng Japan – Tokyo, Osaka, Kobe, at Nagoya – sa layuning makuha ng Pilipinas ang malaking bahagi ng demand ng naturang bansa para sa mga agricultural products.

Pinangunahan ni DA Secretary William Dar ang send-off ceremony para sa pag-export ng dalawang tonelada ng mga okra. Isinagawa ang seremonya sa Pair-Pags Center sa NAIA Road sa Pasay City.

“This is an indication that in spite of Covid-19, we are upping the game. Kagaya nitong okra export to Japan, this is a significant development,” sabi ni Secretary Dar.

Ang mga okra ay inani mula sa labing-apat na barangay sa Tarlac kabilang ang Victoria, Balayang, Palacpalac, Batang-Batang, Lalapac, Mayang, San Pascual, Villa Bacolor, Matayumtayum, San Jose, San Manuel, Balingcanaway, Cutcut, at Lapaz.

Ang first batch ng okra export ay produkto ng 300 magbubukid sa pangunguna ng dalawang young farmer-entrepreneurs na sina Jeffrey Fernandez at Rap Pelayo ng Jel Farms.

Imahe mula sa Philippine News Agency

Ayon sa kanila, sa kasalukuyan nilang set-up ay kayang kumita ng isang magsasaka ng mula P90,000 hanggang P100,000 kada ektarya ng okra plantation. Labas na umano rito ang mga expenses.

Sabi naman ni Sec. Dar, maaari pa itong umabot sa P120,000 kung gagamit ng cold storage ang mga magsasaka.

Ayon pa sa kalihim, mas mataas ang kinikita ng mga okra farmers kaysa sa mga rice farmers sa bansa.

“Ang okra kasi, you can start harvesting within 55–65 days upon seeding and you can harvest it every day for 75 days straight,” aniya.

Target ng Jel Farms na makapagtanim ng okra sa 1,000 ektaryang plantasyon upang matugunan ang mataas na demand nito sa Japan.

Imahe mula sa DA Communications Group

 

Loading…