Del Monte Ave. sa Quezon City isinusulong ni Sen. Lito Lapid na gawing FPJ Avenue

Imahe mula sa News Feed
  • Ipinanukala ni Sen. Lito Lapid na palitan ang pangalan ng Del Monte Avenue sa Quezon City at gawing FPJ Avenue
  • Ilang senador, kabilang si Senate President Tito Sotto, ang nagpahayag na maging co-author ng Senate Bill No. 1822
  • Ikinataba naman ng pus0 ni Sen. Grace Poe ang ginawa ng mga kasamang senador

Bilang pagpupugay sa “The King of Philippine Movies,” naghain ng panukala si Senator Lito Lapid na palitan ang pangalan ng isang kalsada sa Quezon City at isunod iyon sa pangalan ng late actor na si Fernando Poe, Jr (FPJ).

Imahe mula sa Facebook account ni Sen. Lito Lapid

Inihain ni Sen. Lapid, na isa ring aktor, ang Senate Bill No. 1822 na naglalayong palitan ang pangalan ng Del Monte Avenue at gawing Fernando Poe, Jr. Avenue.

“While his films depicted him a hero that won the hearts of the masses, what made him more popular was the fact that he lived up to be a true hero with his charitable causes. His peers in the film industry could attest to his whole-hearted kindness to Filipinos knowing full well the struggles of hard work amid worsening socio-economic conditions that Filipino families face then and now,” ayon sa explanatory note ng inihaing bill.

“Thus, it is only fitting that a National Artist who championed the marginalized and oppressed with such dedication, branding, style, and iconic craft be fully recognized,” saad pa ng bill.

Ang FPJ Productions na pag-aari ni “Da King” ay matatagpuan sa Del Monte Avenue.

Imahe mula sa Facebook account ni Sen. Grace Poe

Bago i-refer sa Senate Committee on Public Works ang bill, ilang senador, kabilang si Senate President Vicente “Tito” Sotto III,  ang nagpahayag na maging co-author ng panukala. Ikinataba naman ito ng pus0 ni Senator Grace Poe, anak ni FPJ.

“I know this is unorthodox, this is only a referral of the bills but I would like to sincerely thank our colleagues who expressed to be co-authors. I’m very touched. Thank you so much,” ani Sen. Poe.

Si FPJ ay idineklarang National Artist of the Philippines for Films noong 2006.

Imahe mula sa News Feed

Loading…