DepEd hiningi ang kooperasyon ng mga magulang upang maiwasan ang “distance cheating”

Imahe mula sa DepEd
  • Umapela sa mga magulang ang DepEd upang maiwasan ang “distance cheating”
  • Alam ng mga guro na may malawak na karanasan kung ang takdang-aralin o homework at mga projects ay ginawa ng bata o ng magulang
  • Ang pinakamainam na paraan upang maiwasan ang “distance cheating” ay ang maging bahagi ng solusyon ang mga magulang

Sa ika-5 ng Oktubre ay magsisimula na ang bagong school year at dahil sa umiiral na health crisis ay ipinagbabawal muna ang pagpasok sa mga paaralan kaya sa bahay lang ang mga bata mag-aaral sa pamamagitan ng distance learning.

Imahe mula sa DepEd

At dahil nasa bahay lang ang mag-aaral ay hindi maiiwasan na magkaroon ng ‘pandaraya’ kung tunay bang natuto ang mga bata sa mga leksyong itinuro sa distance learning sa pamamagitan ng online class, telebisyon, radyo at printed learning modules.

Wala pa man ang pandemya ay malaking hamon na raw sa Department of Education ang “distance cheating,” ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones.

“Distance cheating has always been a challenge even before COVID,” pag-amin ni Sec. Briones.

Sa kabila ng hamong ito, marami naman umanong mga paaralan ang nakagawa na ng kanilang mga pamamaraan kung paano gagawin ang grades calculation at assessment ng performance ng mga estudyante.

Anang kalihim, alam ng mga guro  na may malawak na karanasan kung ang takdang-aralin o homework at mga projects ay ginawa ng bata o ng magulang.

Imahe mula sa DepEd

“They have methods that they have developed and in the DepEd, we have also developed these methods that they can use for assessment,” sabi ni Sec. Briones.

Kaya naman ang apela ng DepEd sa mga magulang ng estudyante ay kooperasyon upang matiyak na walang mangyayaring “distance cheating.”

Ayon naman kay DepEd Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio, ang pinakamainam na paraan upang maiwasan ang “distance cheating” ay ang maging bahagi ng solusyon ang mga magulang.

Ito na umano ang pinakamagandang pagkakataon upang tulungan ng mga magulang ang DepEd na mapalakas ang pagtuturo sa mga bata ng kahalagahan ng pagiging honest.

Ang pagtuturo ng kagandahang-asal sa mga bata ay hindi solong responsibilidad ng DepEd, aniya.

“Do not be a part of producing dishonest output because this will be very detrimental to our efforts in shaping good Filipinos,” apela ni Usec. San Antonio.

Imahe mula sa DepEd

Loading…