Different kind of strong: Coleen Garcia proud sa post-partum body

Imahe mula sa Instagram | Coleen Garcia
  • Proud ang bagong mommy na si Coleen Garcia sa kaniyang post-partum body
  • Aniya, maraming pinagdaanan ang kaniyang katawan sa mga nakalipas na buwan kaya natutuhan niyang mas mahalin ito
  • Setyembre 10 nang ipanganak ni Coleen ang panganay nila ng asawang si Billy Crawford

Ibinahagi ng aktres na si Coleen Garcia ang kaniyang post-pregnancy body isang linggo matapos niyang isilang ang panganay nila ng asawang si Billy Crawford.

Imahe mula sa Instagram | Coleen Garcia

Ani Coleen sa isang Instagram story kung saan kita pa ang kaniyang linea nigra o pregnancy line, ngayon ay nakatatayo na siya at naka-recover na mula sa panganganak. “Feeling a different kind of strong now,” dagdag pa niya.

Marami rin daw siyang pinagdaanan sa mga nakalipas na buwan ng kaniyang pagdadalantao kaya malaki ang kaniyang pagmamahal sa kaniyang katawan.

“My body has been through a lot in the past few months and I have never had this much love and respect for it. I see myself in a whole new light. It’s been an incredible journey of self-love and acceptance,” paglalahad niya.

Imahe mula sa Instagram | Coleen Garcia

Setyembre 10 nang manganak si Coleen sa pamamagitan ng water birth. Abot-abot naman ang pasasalamat ni Billy sa bagong blessing sa kanilang mag-asawa. “Words cannot express what I am feeling right now. Let me just say thank you, Father God, for You have given us an angel,” ani Billy.

Hanga rin daw siya sa tapang ng kaniyang misis na nasaksihan niya mismo. “Also bow and salute to you, my strong, fearless, gorgeous and loving wife! I have nothing but respect and gratitude to you. I am SO PROUD to be your husband and equally proud to be the father of our beautiful angel Amari!”

Aminado rin si Billy na si Coleen ang kamukha ng kanilang baby boy. “Too bad he looks nothing like me. At least he looks like you, I’m good!”

Congratulations muli, Coleen at Billy!

Loading…