Distansya sa pagitan ng mga pasahero sa mga pampublikong sasakyan babawasan na

Imahe mula sa DOTr-MRT3
  • Implementasyon ng physical distancing rule sa public transportion mas luluwagan na
  • Mula sa dating 1 meter sa pagitan ng bawat pasahero ay unti-unting babawasan ito –  0.75 meter, 0.50 meter hanggang 0.30 meter na lang
  • Sa pamamagitan nito ay maiibsan na umano ang mga problema sa transportasyon ng mga mamamayan dahil mas marami na ang maisasakay ng mga pampublikong sasakyan

Ipinahayag ng Department of Transportation (DOTr) noong Biyernes, September 11, na unti-unti nang magiging maluwag ang pagpapatupad sa physical distancing rule sa loob ng mga pampublikong sasakyan.

Imahe mula sa DOTr

Sinabi ng DOTr na ang rekomendasyon nito at ng Economic Development Cluster (EDC) ay aprubado na ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases at ng National Task Force (NTF) Against COVID-19.

Mula sa dating 1 meter distance na inirerekomenda ng World Health Organization, gagawin na lang 0.75 meter ng distansya sa pagitan ng mga pasahero sa loob ng public transportation. Pagkalipas ng dalawang linggo ay gagawin itong kalahating metro na lang at gagawing 0.3 meter pagkalipas ng dalawa pang linggo.

Sa inisyal na announcement ng DOTr, sinabi nito na ang unang adjustment ay ipatutupad simula sa Lunes, September 14, ngunit binawi ni Transportation Assistant Secretary Goddes Libiran ang anunsyo. Sinabi niya na kailangan pang makipagpulong ng DOTr sa Department of Health, EDC, at IATF upang maisapinal ang petsa ng implementasyon nito.

Imahe mula sa PNA

Malaki ang maidadagdag sa bilang ng mga pasaherong makasasakay sa  tren kapag naipatupad na ang reduced physical distancing. Ang mga standing passengers mapapayagan na rin sa mga modern jeepneys at mga bus.

Ang adjustment sa physical distancing ay gagawin din sa mga eroplano at mga passenger ferries.

“Optimizing the physical distance between passengers inside PUVs without sacrificing strict health and safety protocols such as wearing of face masks and face shields, will help soothe the transportation woes of Filipino commuters. With public transportation, there is faster recovery of lives and livelihoods as we push forward under the new normal,” pahayag ni NTF chief implementer Carlito Galvez.

Imahe mula sa PNA

Nagpahayag naman ng agam-agam ang ilang netizens sa planong pagluwag sa physical distancing rules sa mga public transportation sa pangambang muling tumaas ang bilang mga mga bagong COVID-19 cases.

Source :

Facebook, DOTr

Loading…