DITO pinayagan nang magtayo ng cell site sa loob ng mga kampo militar – Lorenzana

Imahe mula sa Edge Davao
  • Pumayag na ang Defense department na magtayo ang DITO ng mga cell sites sa loob ng kampo
  • Ayon kay Lorenzana, pinirmahan niya na ang MOA tungkol dito
  • Nagpahayag naman ng agam-agam tungkol dito si Rep. Rufus Rodriguez

Kinumprima ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na pinirmahan na niya ang memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at DITO Telecommunity para payagan ang bagong telco na magtayo ng mga cell sites sa loob ng mga kampo militar.

Sa ginanap na budget hearing sa Kamara nitong Martes, sinabi ng kalihim na 2019 pa ibinigay sa kaniya ang MOA subalit hindi muna niya ito nilagdaan matapos magpahayag ng pangamba sa seguridad ng bansa ang ilang opposition senators ukol dito.

Imahe mula sa DND

Ang DITO ay partnership Chelsea Logistics and Infrastructure Holdings Corp. at Udenna Corp. ng negosyanteng si Dennis Uy at ng China Telecom na pag-aari ng China.

Ayon kay Lorenzana, wala namang nakitang nakababahala sa dokumento ang mga senador at naibalik na ito sa kaniya.

“When the contract reached my table, Senate asked a copy of the contract for them to scrutinize,” paliwanag ng kalihim matapos usisain ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez tungkol dito.

Image by Dito Telecommunity via Facebook

“They came out with nothing naman, wala silang complaint or any recommendation on the contract. It was returned to us,” dagdag pa ng opisyal.

Giit pa ni Lorenzana, itatayo ang mga cell sites ng DITO sa mga kampo kung saan mayroon nang nakatayong tower ng Globe at Smart. Bukod dito, maglalagay din umano ng ‘safeguards’ ang militar para matiyak na mapoprotektahan ang seguridad ng bansa laban sa posibleng pag-espiya.

Subalit nagpahayag pa rin ng agam-agam si Rodriguez.

“Can you imagine that there will be Chinese employees of Dito, who may be spies for China while we have a conflict especially in the West Philippine Sea, entering our camps,” ayon sa kongresista.

Hinimok rin ng mambabatas ang Defense secretary na repasuhin muli ang MOA bago ito ipatupad nang tuluyan.

Loading…