Dokyu sa buhay ni Jake Zyrus, nominado sa 2020 International Emmy Awards

Image by Jake Zyrus via Facebook
  • Dokumentaryong tumatalakay sa buhay ni Jake Zyrus, nominado sa 2020 International Emmy Awards
  • Kasama ito sa 44 nominadong inanunsyo noong Huwebes
  • Hindi makapaniwala si Jake na nakasali ang dokyu ng buhay niya sa Emmy

Nominado sa ilalim ng Arts Programming category ng prestihiyosong International Emmy Awards ngayong taon ang dokumentaryong “Jake and Charice” na tumatalakay sa buhay ni Filipino singer Jake Zyrus.

Image by Jake Zyrus via Facebook

Kasama ito sa 44 nominadong inanunsyo noong Huwebes na siyang maglalaban-laban sa ilalim ng 11 kategorya at 20 bansa. Nakatakda namang maganap ang announcement ceremony ng mga magwawagi sa November 23, New York City.

Pahayag ng sikat na mang-aawit, hindi pa rin siya makapaniwala na kasali ang dokyu ng buhay niya sa mga nominado. “Surreal. Thank you @iemmys – It’s an honor,” ang kapsyon ni Jake nang i-post ang listahan ng mga nominado sa kategorya.

Makakatunggali niya sa Emmy ang Refavela 40 ng Brazil, Vertige De La Chute (Ressaca) ng France at Why Do We Dance ng United Kingdom.

Ang Emmy, na kumikilala sa kahusayan sa television industry ay isa sa kino-konsiderang “four major American entertainment awards”; katumbas nito ang Grammy sa musika, Oscar sa pelikula at Tony sa teatro.

“Congratulations to all the Nominees! – we are especially proud to recognize and honor the world’s best storytellers, producers and performers,” ang pahayag ni Bruce L. Paisner, President & CEO ng International Academy of Television Arts & Sciences.

Ang Jake and Charice ay prodyus ng NHK (Japan Broadcasting Corporation)s at co-producer ang ABS-CBN.

Gold Camera: Dokyu sa buhay ni Jake Zyrus, wagi sa US Int’l Film and Video Festival

Matatandaang tumanggap din ang dokyu ng pinakamataas na pagkilala o “Gold Camera Award” sa US International Film and Video Festival noong Hunyo.

Image by Jake Zyrus via Facebook

Kuwento ito ng buhay ng mang-aawit mula sa payak na pamumuhay at mga pagsubok na pinagdaanan hanggang sa marating ang kasikatan, at magpalit ng kasarian.

Nasasaad sa synopsis ng dokyu na, “The singer Charice (Pempengco) was the first Asian artist to have a Billboard top-ten hit. Mentored by producer David Foster, she wowed the world with her incomparable talent.

“Seven years later, she came out as a transgender man, changed her name to Jake Zyrus, and made a fresh start without the renown or voice that she had established as Charice.”

Image by Jake Zyrus via Instagram

Loading…