Donated PPEs sa mga ospital, ‘di dapat singilin sa pasyente – DOH

Imahe mula sa PHC
  • Hindi dapat pabayaran sa mga pasyente ang donated PPEs, ayon sa DOH
  • Namo-monitor umano nila ang mga donasyong PPEs dahil may inventory sila nito
  • Maaari lamang daw maningil ang ospital kapag sila mismo ang gumastos para dito

Muling nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi dapat pabayaran ng mga ospital sa kanilang pasyente ang mga donasyong personal protective equipment (PPE).

Ayon kay Health Undersecretary Rosario Vergeire, bagama’t pinapayagang mag-charge ang mga ospital para sa PPEs, hindi ito puwedeng gawin sa mga donated PPEs.

Imahe mula sa DOH

“Yes, they are allowed to charge [for PPEs] under the Department Order 2020 0269, but charging for PPEs which are donated to them is strictly prohibited,” paliwanag ni Vergeire.

Wika pa ng opisyal, namo-monitor nila ang mga donasyong PPEs dahil may inventory sila nito.

“We have that inventory na kapag donated itong PPEs dito sa facilities na ito para ma-monitor namin,” ani Vergeire.

Tungkol naman sa pag-charge ng ospital, maaari lamang umanong ikarga ang 30% ng administrative cost ng pagbili ng PPE. Kabilang na rito ang para sa accommodation ng pasyente at bayad sa health workers na nag-aasikaso sa kanila.

Imahe mula sa PNA

“Kung nasa intensive care unit ang pasyente, critical care iyon kaya mas maraming magagamit na PPEs. Kung nasa ward , ‘pag nag-rounds ang doktor, isahan lang iyon, kaya mas kaunti ang paggamit ng PPE roon,” paliwanag pa rin ni Vergeire.

Dati nang sinabi ng DOH na hindi dapat singilin ang mga pasyente para sa mga donated PPEs dahil binayaran na ito ng gobyerno.

Maaari lamang daw maningil ang ospital para dito kapag sila mismo ang gumastos o bumili ng nabanggit na kagamitan.

Source :

Inquirer, Remate, PNA

Loading…