Drive-in cinema bubuksan sa SM Mall of Asia

Imahe mula sa SM Cinemas
  • Ginawang drive-in cinema ang Event Grounds ng SM Mall of Asia
  • Sisimulan ang operasyon ng drive-in cinema sa September 9, 2020
  • Dalawang pelikula ang nakatakdang ipalabas sa SM Drive-in cinema – ang “Train to Busan: Peninsula” at “Unhinged”

Inanunsyo ng SM Cinemas na ang Event Ground ng SM Mall of Asia ay iko-convert sa malawak na drive-in cinema. Sisimulan ang operasyon nito sa susunod na linggo, ika-9 ng Setyembre.

Imahe mula sa SM Cinemas

Ibinahagi nito sa Facebook ang dalawang bagong pelikula na naka-schedule para sa screening simula September 9, 2020 – ang “Train 2 Busan: Peninsula” na sequel ng zombie movie na Train to Busan at ang “Unhinged,” isang thriller movie na pinagbibidahan ni Russel Crowe.

Narito ang screening schedule ng dalawang pelikula:

Train to Busan: Peninsula

1) September 9, 2020 (6:45pm)

2) September 11, 2020 (6:45pm)

3) September 13, 2020 (6:45 pm)

 

Imahe mula sa SM Cinemas

Unhinged

1) September 10, 2020 (6:45pm)

2) September 12, 2020 (6:45pm)

Ang ticket ay mabibili lang sa website ng SM Cinemas. Walang ticket na ibebenta sa venue. P400 ang presyo ng ticket (kada isang tao, hindi kada isang sasakyan). Hanggang apat na tao kada sasakyan ang maaari, pero dalawa lang ang rekomendado ng kumpanya para sa mas enjoyable na panonood.

Kasama na ang bottled water, popcorn at hotdog sa presyo ng ticket na binayaran. Hindi maaaring magdala ng pagkain mula sa labas dahil may food items na available sa loob ng venue. Kung oorder ay kailangan lang itaas ang food ordering flag at may lalapit nang server.

Imahe mula sa SM Cinemas

Huwag kalilimutang dalhin ang smart device na ginamit sa pagbili ng ticket dahil kailangang ma-scan ang QR code sa entrance ng SM drive-in cinema.

Mga closed vehicles with windows ang maaaring pumasok sa drive-in cinema. Hindi maaari ang motorsiklo. Kailangan ding naka-face mask at may physical distancing ang mga tao sa loob ng sasakyan bilang pagsunod sa minimum health protocols na ipinatutupad ng IATF.

Loading…