Duque humihingi ng karagdagang P10-B budget para sa pagsasaayos ng pasilidad ng mga ospital

Imahe mula sa PIA
  • Humihingi si Sec. Duque ng karagdagang P10-B budget para sa pasilidad ng mga ospital
  • Ito ay matapos na P4.7-B lamang ang naaprubahan ng DBM mula sa P45-B na kanilang ipinanukala para sa HFEP
  • Umabot naman sa P203.7-B ang hinihinging budget ng DOH para sa taong 2021 at P71-B dito ay mapupunta sa PhilHealth

Humihingi ng karagdagang budget si Health Secretary Francisco Duque III para sa taong 2021 na ilalaan umano sa Health Facilities Enhancement Program (HFEP) ng ahensiya.

Ayon sa kalihim, nagpadala na sila ng sulat kay House Speaker Alan Peter Cayetano para sa karagdagang P10-B para sa HFEP na siya umanong magsisilbing karagdagang suporta sa pagsasaayos ng mga ospital, rural health units at health care facilities sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Screenshot mula sa PCOO video

“We sent a letter to the Honorable Speaker with regard to our request of augmenting the approved budget on HFEP with an additional P10 billion,” ani Duque sa ginanap na budget hearing ng House Committee on Appropriations nitong Biyernes, ika-18 ng Setyembre.

Ibinahagi rin ni Duque na nagpasa na sila dati ng P45 bilyong budget para sa HFEP subalit P4.7-B lamang ang naaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) sa ilalim ng 2021 National Expenditure Program (NEP) habang P5.5- bilyon naman ang napunta sa unprogrammed funds.

For ilustrative purposes only| Imahe mula sa HealthTech.PH

“We are requesting this to address the concerns of several members of Congress on additional support for improving the infrastructure of our hospitals, rural health units, LGU hospitals, health care facilities, as well as military hospitals, especially that the COVID-19 pandemic has affected the functionality of our infrastructure and implementation of UHC law,” apela pa ng kalihim.

Umabot sa P203.7-B ang hinihinging budget ng DOH para sa susunod na taon at P71.35-B dito ay mapupunta sa PhilHealth na nababalot ngayon ng kontrobersiya dahil sa alegasyon ng malawakang katiwalian.

Loading…