Duterte pinakakasuhan na si Morales, iba pang PhilHealth officials

Screenshot mula sa Facebook video ng RTVM
  • Pinakakasuhan na ni Pangulong Duterte si dating PhilHealth chief Ricardo Morales
  • Kabilang din sa mga mananagot ang iba pang matataas na opisyal ng Philhealth
  • Subalit hindi nakasama rito si Health Sec. Francisco Duque base sa binasang report ni Duterte

May go-signal na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasampa ng kaukulang kaso kina resigned PhilHealth chief Ricardo Morales kaugnay sa diumano’y katiwalian sa loob ng ahensiya base na rin sa rekomendasyon ng Task Force PhilHealth.

Sa ginawang televised public address nitong Lunes ng gabi, binasa ni Pangulong Duterte ang resulta ng ginawang pagsisiyasat ng task force kung saan nasasaad dito na may sapat na ebidensiya umano na magpapatunay na nilabag ni Morales et al. ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Morales| Screenshot mula sa YT video ng GMA News

“The issue of PhilHealth corruption was really an important issue to the Filipinos and to everybody, and everybody, again, is placed in jeopardy by the actions of the officials,” wika ng Pangulo.

Maliban kay Morales, inirerekomenda rin ng task force ang pagsasampa ng reklamo laban kina PhilHealth Senior Vice President for Information Management Sector Jovita Aragona, Acting Senior Manager, Information Technology and Management Department Calixto Gabuya Jr., Senior Vice President for Fund Management Sector Renato Limsiaco Jr., Senior Vice President for Health Finance Policy Sector Israel Francis Pargas, and Executive Vice President, and Chief Operating Officer Arnel De Jesus, at iba pa.

“I’m sorry for them, but they will have to undergo trial, although they can always prove their guilt beyond reasonable doubt. The presumption of innocence is still attached,” dagdag pa ng presidente.

Screenshot mula sa Facebook video ng RTVM

Hindi naman nakasama si Health Secretary Francisco Duque sa listahan ng opisyal na pinakakasuhan base sa ulat ng task force na binasa ni Duterte. Noong nakaraang linggo, hinimok ng Pangulo si Duque na huwag mag-resign sa harap ng mga panawagan ng mga senador na magbitiw na ito sa tungkulin.

Isa rin si Duque sa inirerekomenda ng Senate Committee of the Whole na papanagutin sa isyu ng Philhealth dahil umano sa kapabayaan nito bilang chairman ng board ng ahensiya.

Loading…