
- Pagbabakuna sa mamamayan ng COVID-19 vaccine, sa PNP stations magaganap
- Positibo si Pangulong Rodrigo Duterte na “almost here” na ang pagiging available ng bakuna
- Nakahanda umano siyang mangutang sakaling wala tayong pambayad dito
Sa PNP stations magaganap ang pagbabakuna sa mamamayang Pilipino sakaling maging available na ang COVID-19 vaccine, ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang taped speech na inere noong Lunes.

Wika ni Duterte, patuloy lamang na sundin ng mamamayan ang mga protokol na ipinapatupad yamang “almost here” na ang pagiging available ng bakuna at nakahanda siyang mangutang muna sakaling wala tayong pambayad dito.
“But this will be fast. I have ordered that this be done in police stations with the doctors there so that you only have to go to one place. After all, vaccination is quick. It’s just an injection. It doesn’t take about 2 minutes, 3 minutes to inject the vaccine. People can easily find police stations. Just line up there.”
Patuloy umano ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa ibang bansa kagaya ng United States, China, Russia, Taiwan at Australia para sa lunas; parehong nagpahayag ang Russia at China na bibigyan nila ng prayoridad ang Pilipinas sakaling makagawa sila.
Ang kagustuhan ng pangulo na sa PNP stations magaganap ang pagbabakuna ay nasabi na rin niya noong nakaraang buwan.

Sabi ni Duterte, mas malapit at mas marami kasi ang police stations. Nabanggit din niya na linisan ng mga pulis ang presinto para handa sa immunization day.
“I’ll leave the problem to (Interior Secretary Eduardo) Año, for the uniformed nurses sa pulis, and for (Defense Secretary Delfin) Lorenzana. They should be assembled and help.”
Tanging requirement lamang umano para mabakunahan ay ang pagiging isang Pilipino, “(The) only requirement is Pilipino ka, wala na.”
