Duwende nagmasid daw sa “It Really Hurts” dance challenge ng babae sa TikTok

Screenshot mula sa KMJS video
  • Duwende nga ba ang nakitang tila nagmamasid sa babaeng nagsasayaw sa TikTok?
  • Sa tingin ng mga netizens na nakapanood ng video ay isang bata ang nagmamasid
  • Sabi ng spirit questor, isang earth elemental ang nahulicam

Usung-uso ngayon ang “It Really Hurts” dance challenge, kaya isang babaeng taga-Sariaya, Quezon ang gumawa ng TikTok video para kumasa sa hamon.

Screenshot mula sa KMJS video

Ang dapat sana ay nakaaaliw na dance cover ng babae na nakilalang si Roxanne ay tila naging katatakutan nang may mapansin ang mga netizens na nakapanood ng TikTok video na ginawa niya. May isang bata raw ang nagmamasid sa kanya habang nagsasayaw siya.

Aniya, maraming nagkomento sa video niya tungkol sa misteryosong bata na namataan sa likod ng puno ng papaya.

“Parang pumormang hugis ulo ng bata.”

“May batang nanonood sa ‘yo, idol.”

“Parang may nakasilip na bata sa may puno ng papaya po.”

Kinilabutan daw siya nang mabasa ang  mga mga komento. Aniya, mukhang bata nga ang nakasilip habang sumasayaw siya, pero hindi niya kilala kung sino iyon.

Screenshot mula sa KMJS video

“Kinilabutan po talaga ako. Mukha po talaga siyang batang nakasilip. Kilala po namin ‘yung mga bata dito…walang ganoong itsura,” ani Roxanne.

Siniyasat ng “Kapuso Mo, Jessica Soho” team ang pangyayari. Sabi ni Jessica Soho, habang nagse-set up ang team ay bigla raw nabalisa si Roxanne… may bigla raw nag-ingay sa loob ng banyo nila. Ang tuwalya at tabo ay nalaglag kahit walang tao sa CR.

Ipinasuri ng KMJS ang video at wala namang nakitang ginawang video manipulation ang eksperto. Sa tingin nito ay basurang karton ang nahulicam at hindi bata.

Pinatingnan din nila sa isang spirit questor ang lugar na pinangyarihan. Sabi nito, isang earth elemental daw o gnome ang nahagip sa video ni Roxanne.

Screenshot mula sa KMJS video

Ito raw ay tagabantay ng kalikasan at hindi naman nagagalit.

Binasahan din ng tarot card si Roxanne  upang malaman kung ano ang nais iparating sa kanya ng earth elemental. Naging emosyonal siya nang marinig kung ano ang mensahe.

“Ang ibig sabihin ng chalice ay emotions. Bigyan n’yo ng atensyon ‘yung anak n’yo. Iyon ang sinasabi ng baraha,” anang spirit questor.

Inamin ni Roxanne na may dalawang anak siya sa unang asawa. Apat na taon na raw niyang hindi nakikita ang mga iyon.

Paliwanag ng spirit questor, nararamdaman daw ng earth elemental na malayo si Roxanne sa mga anak niya.

CLICK mo ang imahe para sa video mula sa KMJS 
Source :

YouTube

Loading…