Dwayne ‘The Rock’ Johnson at buong pamilya nagpositibo sa COVID-19

Faster| Screenshot mula sa YT trailer video
  • Nagpositibo sa COVID-19 si Dwayne Johnson, kaniyang asawa at dalawang anak
  • Posible umanong nakuha nila ang virus mula sa malalapit na kaibigan ng kanilang pamilya
  • Gayun pa man, maayos na raw ang kanilang kalagayan sa ngayon

Nagpositibo sa coronavirus ang Hollywood superstar na si Dwayne ‘The Rock’ Johnson at ang kaniyang pamilya kabilang na ang kaniyang misis at dalawang anak na babae.

Ayon sa ‘Fast and Furious’ actor, na siya ring highest paid celebrity ngayon, ito na ang pinakamalaking hamon na pinagdaanan nila bilang isang pamilya.

Gayunpaman, nasa maayos na umano silang kalagayan at hindi na makahahawa sa ibang tao.

Screenshot mula sa Instagram ni The Rock

“But I am happy to tell you guys that we as a family are good. We are on the other end of it. We are on the other side. We are no longer contagious. And we are — thank god — we are healthy,” ani ‘The Rock’ sa video na ibinahagi niya sa Instagram.

Ang 43 anyos na aktor, kabiyak na si Lauren, 35, at ang kanilang anak na sina Jasmine, 4,  at Tiana, 2, ay dinapuan umano ng virus mahigit dalawang linggo na ang nakararaan. Hinala ni Johnson, nahawa sila ng ilang malalapit na kaibigan ng pamilya.

Imahe mula sa E! Online

“We are counting our blessings right now because we’re well aware that it isn’t always the case that you get on the other end of Covid-19 stronger and healthier,” bahagi pa ng action star at dating wrestler.

May payo din ang ang aktor sa publiko lalo na sa mga taong ginagawang bahagi ng ‘political agenda’ ang pagsusuot ng face mask.

“It has nothing to do with politics. Wear your mask. It is a fact. And it is the right thing to do,” anito.

Sa kaniyang Instagram, nag-iwan din ng mensahe at paalala si Johnson sa kaniyang mga fans at followers: “Stay disciplined. Boost your immune system. Commit to wellness. Wear your mask. Protect your family. Be strict about having people over your house or gatherings. Stay positive. And care for your fellow human beings.”

Source :

BBC, CNN, Instagram

Loading…