“Eat-all-you-can” sa durian at iba pang mga prutas patok sa Davao City

  • Usap-usapan ang Eat-all-you-can” sa durian at prutas sa Davao City
  • Sa halagang 100 piso bawat tao ay may unlimited durian na
  • Sa halagang 150 piso naman ay may unlimited fruits na

Sadyang mahilig sa pagkain at kumain ang mga Pilipino, kaya naman patok sa lahat ang mga  “Eat-all-you-can” promo sa mga buffet restaurants at food chains na nanghihikayat ng “unlimited kain” sa iba’t ibang putahe na maaaring pasta, iba’t ibang ulam, o sea food. Subalit nakarinig ka na ba ng “Eat-all-you-can fruits?”

Iyan ang itinampok sa Facebook page na “Filipiknows Network” kung saan makikita ang isang naiibang promo para sa mga prutas sa Davao City, partikular ang prutas na “durian” na tipikal at trademark sa naturang lungsod.

Imahe mula sa Facebook page na Filipiknows Network

Ayon sa post, sa halagang P100 bawat tao ay maaari nang kumain ng unlimited durian, at sa halaga namang 150 piso ay may unlimited fruits na.

“Eat-All-You-Can #Fruits or #Durian. Located in DAVAO, Philippines. 100/person durian only 150/person all fruits. #iSupportLokal,” ayon sa post.

“Location: Doña Vicenta, fronting Victoria Plaza from Chowking, 3rd kanto sa left, pasok then first house, Davao City SUGOD NA TA?? ATTACK NAMO,” dagdag pa sa post hinggil sa lokasyon ng naturang promo.

Makikita sa mga kalakip na larawan na ang naturang unli fruits ay nasa bakuran lamang ng isang bahay. Naglagay pa sila ng mga mesang kainan para sa mga kakain. Makikita ang iba’t ibang prutas na nakasilid sa kahon gaya ng buko, lansones, at mangosteen.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Buong Pilipinas sana may ganito… para maging healthy lahat ng Pinoy, para lahat ng tao maging hilig nila kumain ng prutas. Ang mahal kasi naman talaga ng prutas. Ang galing po ng taong nakaisip magnegosyo nito,” papuri ng isa.

Imahe mula sa Facebook page na Filipiknows Network

Wika naman ng isa, “I was able to experience that in Malaysia! It was a great treat from a friend! Good to know they also do that in Davao! Let’s go!!”

“Tag-prutas ngayon diyan sayang ang ticket namin suppose to be this September pupunta kami riyan kaso wala naman flight,” turan naman ng isa.

Siniguro naman nila na nasusunod pa rin ang social distancing at health protocols kahit na may dine in para sa kanilang unlimited fruits. Magandang ideya ito, hindi ba?

Source :

Facebook

Loading…