Ekonomista ipinaliwanag ang “unintended consequences”; iniugnay sa pagtatangkang masugpo ang COVID-19

  • Tutol ang isang ekonomistang netizen sa pabuya ni Mayor Isko Moreno Domagoso sa mga barangay sa Maynila na hindi makapagtatala ng panibagong kaso ng COVID-19 sa loob ng dalawang buwan
  • Ginawa niyang halimbawa ang konseptong “unintended consequences” sa Economics
  • Paliwanag niya, maaari itong mag-ugat ng mas malaking problema gaya ng under-reporting at korapsyon

Ipinaliwanag ng isang ekonomista ang “unintended consequences”, isa sa mga konsepto sa pag-aaral ng Economics, upang ipakita ang pagtutol sa aksyon ng pagbibigay ng pabuya ni Manila Mayor Isko “Moreno” Domagoso sa mga barangay na walang maitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa loob ng dalawang buwan.

Ayon sa Facebook post ni Yiel Peñamante na pinamagatan niyang Microeconomics 101: Unintended Consequence, “The actions of people — and especially of government — always have effects that are unanticipated or unintended. One example is the cobra effect, which occurs when an adopted strategy or solution to a problem makes the problem worse due to unseen consequences.”

Public Domain Image

Matatandaang napabalita ang intensyon ni Yorme na magbigay ng karagdagang P100,000 budget sa mga barangay na walang maitatalang kaso ng COVID-19 simula Setyembre 1 hanggang Oktubre 31, 2020. May budget daw ang pamahalaang Maynila para dito na aabot sa 89.6 milyong piso.

Ipinaliwanag niya ang binanggit na “cobra effect” na nagsimula sa bansang India.

“Anong ibig sabihin ng cobra effect? Infested ng cobra ang India noon kaya nakaisip ng paraan ang British Colonial Government na hulihin ang mga cobra in exchange for cash. Significantly, naabot ang target. Ngayon, hindi na makahanap (even sa wild) ang mga tao ng cobra kaya nagparami sila ng mga cobra sa kanilang mga bahay para magkapera.”

Dagdag pa niya, “To cut it short, tinapos na ang programa ng gobyerno. Anong nangyari? Pinakawalan na ang mga cobra ng mga kabahayang nagparami sa mga ito kasi useless na, wala nang makukuhang pera, resulting to a more serious problem.”

Ang punto niya, maaari daw kasing maging dahilan ng “under-reporting” ang diskarte ni Yorme, at baka pagmulan pa ng korapsyon. Kinatatakutan umano niya na baka sa kagustuhan ng mga barangay na makakuha ng karagdagang budget o pabuya, hindi na nito iuulat ang mga taong tinamaan ng COVID-19. Tiyak na magiging problema ito.

Public Domain Image

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“True lang, mas magkakaroon ng space for under-reporting and corruption. Lol,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Hello po. Siguro po, the best iparating mo ang thoughts mo kay Yorme about this cobra effect para ma-modify niya kung sakali? Maganda naman kasi ang intensyon niya. Kailangan lang siguro ng modification para naman maging tapat pa rin ang mga barangay sa pagre-report ng mga may COVID cases.”

Ikaw, ano ang palagay mo hinggil dito?

Loading…