Ella Cruz sumemplang sa motorsiklo habang ginagawa ang una niyang motovlog

Screenshot mula sa motovlog ni Ella Cruz
  • Ella Cruz sumemplang habang nagmomotorsiklo
  • Nangyari ang insidente habang nagte-training siya sa pagmomotorsiklo sa Clark International Speedway sa Pampanga
  • Hindi niya nakontrol ang motorsiklo habang paliko siya sa isang kurbada

Hindi naging maganda ang resulta ng kauna-unahang pagtatangkang gumawa ng motovlog ng aktres na si Ella Cruz dahil naaksidente siya.

Screenshot mula sa motovlog ni Ella Cruz

Maraming tagahanga ang nagpahayag ng pag-aalala dahil sa pagsemplang niya sa sinasakyang big bike habang nagte-training sa ilalim ng Zero2Podium Riding School na ginawa sa Clark International Speedway; isang motorsport venue na matatagpuan sa Clark Freeport sa Mabalacat, Pampanga.

Sa video na ibinahagi ni Ella sa kanyang Instagram account, makikitang sakay siya ng motorsiklo habang nagsasanay ng kanyang riding skills.

“After weeks ng walang upload sa YT ko tadaaah~! Isa sa pinakamaraming nagrerequest at nag aabang, my first motovlog during my training with Zero2Podium! How I train, how I ride this big bike and how I manage this….premieres tonight kaya subscribe na po kayo sa YouTube ko,” post ni Ella sa Instagram.

Ngunit sa kasamaang-palad ay natumba ang big bike na sinasakyan habang paliko siya sa isang kurbada. Makikitang gumulong ang aktres nang dalawang beses nang mahulog at ang motorsiklo naman ay sumadsad patungo sa gilid ng track.

Screenshot mula sa motovlog ni Ella Cruz

Nakasuot naman siya ng full setup ng motorcycle safety gear kabilang ang full face helmet, full body armor jacket at armored motorcycle gloves kaya ligtas ang aktres.  Agad ding dumating ang mga trainers niya para alalayan siya at itayo ang natumbang big bike.

Panoorin ang unang motovlog ni Ella:

Loading…