Entry ng Baguio HS student wagi sa finals ng global science contest

Image capture from video by Breakthrough Prize via Facebook
  • Entry ng 17-year-old Filipino High School Student sa global science contest, nanalo bilang “Top in COVID-19 Popular Vote”
  • Tinalakay niya ang proseso ng Zoonotic spillovers
  • Nakatunggali niya ang 29 kalahok mula sa ibang bansa

Wagi sa finals ng ika-anim na Breakthrough Junior Challenge Competition ang science video entry ng 17-year-old Saint Louis University Laboratory High School student na si Jeff Winxin Collado bilang “Top in COVID-19 Popular Vote”. Siya rin ang idineklarang Regional Champion para sa Asia.

Tumatalakay sa proseso ng Zoonotic spillovers o ang proseso ng paglipat ng virus mula sa hayop patungo sa tao ang kanyang entry.

Image capture from video by Breakthrough Prize via Facebook

Pagpapaliwanag ni Collado, ang virus ay pathogenic agents na nagtataglay ng genetic materials kagaya ng DNA at RNA. Ang paglipat ng pathogen mula sa isang specie patungo sa iba ay tinatawag na spillover at kapag nalipat ito sa tao ay tinatawig na Zoonosis.

Mayroong limang steps na kailangan para mapunta ito sa tao, aniya. Ito ang reservoir, exposure, breakthrough, transmission at tipping point.

Kaya lamang, bihira umanong nagaganap ang spillover dahil may mga barriers at may mga factor na kailangang mag-match.

Samantala, ang idineklarang “Top in Popular Vote” ay ang entry ng 17-taong-gulang na si Ramez Rizk mula sa bansang Egypt; patungkol ito sa String Theory.

Nakatunggali nina Collado at Rizk ang 28 iba pang semi-finalists na kinabibilangan ng mga video creator sa mga bansang United States, Australia, Canada, Chile, Korea, India, Indonesia, Italy, Morocco, Romania, United Kingdom at Venezuela.

Image capture from video by Breakthrough Prize via Facebook

Sa ika-anim na taon nito, inimbita ang mga estudyante na may edad 13-18 para magsumite ng orihinal na bidyo na may tagal na aabot ng tatlong minuto at tumatalakay sa konsepto o teorya sa life sciences, physics at mathematics.

Layunin ng kompetisyon na mag-inspire ng fresh at creative explanations ng mga fundamental concepts.

Na-evaluate ang mga outputs base sa abilidad ng estudyante na magpabatid ng komplikadong scientific ideas sa pinaka-engaging, illuminating at imaginative na paraan.

Panoorin ang entry ni Collado:

Loading…