Estudyante nagtitinda ng seafood para matupad ang pangarap na maging guro

Image by Kevin Gayoso via Facebook
  • Education student humihingi ng tulong sa mamamayan na bumili ng kanyang mga panindang seafoods
  • Para umano ito sa kanyang tuition fee sa La Salle para makatapos ng pag-aaral at maging Sports teacher
  • May post din siya sa pagpapadala ng pera para sa selpon ng nakababatang kapatid na gagamitin sa online class

Humihingi ngayon ng suporta ang isang education student sa mamamayan na suportahan ang kanyang mga panindang seafoods para makatapos siya ng pag-aaral at matupad ang pangarap na maging isang Sports Teacher sa hinaharap.

Image by Kevin Gayoso via Facebook

Salin ng FB post ni Kevin Gayoso, “Nagbebenta ako ng isda para may pambayad sa tuition fee ko sa La Salle, para makatapos ako at maging Sports Teacher balang araw.”

Makikita sa social media profile ni Kevin na siya’y taga-Negros Occidental at kumukuha ng kursong Bachelor of Secondary Education (BSED) Major in Physical Education sa University of St. La Salle, Bacolod City.

Mayroon din siyang mga karanasan sa pagtatrabaho bilang call center agent sa maraming BPO companies.

Maliban dito, nag-post siya patungkol sa pagbebenta niya ng mga seafoods para may maipadala sa nakababatang kapatid para sa selpon na magagamit sa online class. “Wag kang umiyak, hahaha,” aniya.

Saad pa ni Kevin, matatagpuan ang kanyang mga paninda sa Mejar Apartment, tabi ng Cokin Building at harap ng Bacolod City National High School.

Kabilang pa sa mga paninda ng mag-aaral maliban sa isda, ang crabs, shrimps at iba pang seafoods.

Image by Kevin Gayoso via Facebook

Sa panibagong FB post ay nagpasalamat siya sa mga tumulong at bumili ng kanyang mga produkto makaraang mag-trending ang kanyang post.

“I would like to take this opportunity to say thank you to all of you who have shown such care and love buying all my seafood products. Your great feedback really keeps me going. You guys are amazing! May God bless us all and together let us keep this world a better place to live in.”

Sana’y mas maraming may mabubuting loob ang makabasa nito at suportahan ang future Sports teacher. Kudos sa pagsusumikap!

Image by Kevin Gayoso via Facebook

Loading…