Estudyanteng nahinto sa pag-aaral, handang tumulong sa mga hirap sa online learning

Imahe mula sa Facebook | Altea Macarimbang
  • Upang patuloy na matuto kahit huminto sa pag-aaral dahil sa pandemya ay may naisip na paraan ang isang estudyante
  • Nag-post siya sa social media na handa siyang tumulong sa mga walang pang-load o Internet sa pamamagitan ng pag-re-research para sa kanila
  • Tinumbasan ng marami ang kabutihang ito dahil ibinahagi nila ang post at sinabing handa rin silang tumulong

Marami mang tutol dahil sa mga hamon na kinahaharap ay tuloy na ang online classes sa ilang unibersidad sa bansa.

Imahe mula sa Unsplash

Dahil kinailangang huminto muna sa pag-aaral sa gitna ng pandemya ay nakaisip ng paraan ang isang mag-aaral upang patuloy na matuto at maging produktibo.

Sa isang Facebook post ay sinabi ni Altea Macarimbang na handa siyang mag-research para sa mga estudyanteng walang budget para sa Internet o mobile data.

“Sa students na nag-o-online classes, kung maubusan kayo ng load o Internet at may kailangan kayong i-search para sa module o activities ninyo, puwede ninyo akong i-private message. Sabihin ninyo lang kung may ipapa-search kayo,” ani Altea.

Bukod dito ay handa rin daw siyang sumagot ng mga tanong tungkol sa Math o English. “Pero ‘yong kaya ko lang. Ako bahala sa’yo.”

Imahe mula sa Unsplash

Bukod sa pagnanais na makatulong, ginagawa niya raw ito upang patuloy pa rin siyang matuto. “Tutal hindi naman ako enrolled ngayong school year, gusto ko ring matuto. Sabi nga nila, ‘the best way to learn is to teach it,'” paniniwala niya.

Sa kasalukuyan ay may mahigit 31k reactions at 20k shares na ito. Ang ilan sa mga nag-share ay handa ring gawin ito.

Isa rito si Patrick Dig na nag-tag din ng mga kaibigan na kayang magturo ng bawat asignatura kagaya ng Math, English, Filipino, Science, Social Science, Management, IT, Crimin0logy, at Psychology.

Sa hiwalay na post ay sinabi ni Altea na dinumog na ng mga estudyanteng nais magpatulong ang kaniyang inbox. “I am more than willing to help. Puwede tayong mag-video call habang nagtuturo ako,” sabi niya pa. “No student should be left behind.”

Source :

Facebook

Loading…