Ex-Calauan mayor Sanchez isinugod sa ospital; posibleng tinamaan ng COVID

Screenshot mula sa YT vidoe ng GMA News
  • Posibleng nahawa umano ng COVID si dating Calauan mayor Antonio Sanchez
  • Bigla itong isinugod sa pagamutan matapos makaramdam ng sintomas ng virus
  • Sumailalim na ito sa swab test at hinihintay na lang ang resulta para sa kumpirmasyon

Biglang isinugod sa pagamutan si dating Calauan mayor Antonio Sanchez matapos makitaan ng sintomas ng coronavirus; ito ang kinupirma ng Bureau of Corrections (BuCor) nitong Martes, Setyembre 1.

Ayon kay BuCor spokesperson Gabriel Chaclag, dinala muna si Sanchez sa Ospital ng Muntinlupa subalit tinanggihan itong tanggapin dahil wala nang bakanteng kuwarto doon.

National Bilibid Prison| Imahe mula sa Wikipedia

Napilitan umano silang ibalik ang notoryus na alkalde sa NBP Hospital kung saan ito ngayon naka-isolate.

“Nalaman natin na puno ‘yung ating Ospital ng Muntinlupa, at ito kasi ay probable COVID patient… naiitindihan natin na marami silang cases doon kaya binalik dito sa NBP hospital,” ani Chaclag.

Lagi naman umanong sumasailalim sa pagsusuri ngayon ang nakakulong na alkalde upang ma-assess kung kailangan siyang ilipat sa mas malaking pagamutan.

Kabilang sa sintomas na naramdaman ni Sanchez ay pagkakaroon ng lagnat at hirap sa paghinga kaya sumailalim ito sa swab test. Hinihintay na lang ngayon ang resulta ng test upang makupirma kung nahawa nga ito ng virus, ayon sa NBP official.

Imahe mula sa Pilipino Mirror

Ibinahagi rin ni Chaclag na labas-masok na sa pagamutan si Sanchez dahil sa sari-saring karamdaman. Mayroon umano itong diabetes, hypertension at at sakit sa kidney. Noong isang araw daw ay bigla na lang itong nagsuka at isinugod sa pagamutan dahil sa diarrhea.

Si Sanchez ay mahigit 70 anyos na. Nakulong ito noong 1995 matapos masangkot sa kaso ng dalawang University of the Philippines (UP) Diliman students na sina Eileen Sarmenta at Allan Gomez.

Loading…