Fil-Am cartoonist ginawaran ng pinakamataas na pagkilala bilang isang kartunista

Screenshot mula sa video ng National Cartoonists Society
  • Iginawad sa isang Fil-Am cartoonist ang pinakamataas na karangalang ibinibigay sa mga kartunista
  • Ipinagkaloob kay Lynda Barry, 64 anyos, ang Reuben Award for Outstanding Cartoonist of the Year
  • Buong pagmamalaking sinabi ni Lynda na siya ay lumaki sa pamilyang Pilipino

Kinilala ng National Cartoonists Society (NCS) ang husay at talento ng isang Filipino-American sa larangan ng pagiging cartoonist.

Imahe mula sa National Cartoonists Society

Noong September 12, 2020 ay iginawad kay Lynda Barry, 64 anyos, ang pinakamataas na karalangang ibinibigay sa cartooning profession – ang Reuben Award for Outstanding Cartoonist of the Year.

Ang pagpili sa gagawaran ng karangalang ito ay idinaan sa pamamagitan ng secret ballot ng mga NCS members. Dinaig ni Lynda ang apat pang mga nominado sa award na sina Hillary B. Price, Terry Libenson, Mark Tattuli at Raina Telgemeier.

Masayang tinanggap ni Lynda ang prestihiyosong award sa pamamagitan ng isang video message sa ginanap na 74th Annual National Cartoonists Society Reuben Awards.

“You know, one of the most beautiful things about being human is that we’re born into a world full of characters. And in my case, I was born into a world full of comics…what I love is that whatever may be missing in your own life, you might be able to find it somewhere in comics,” ani Lynda sa kanyang acceptance speech habang tangan ang tropeo.

Screenshot mula sa video ng National Cartoonists Society

Ipinagmalaki niya na siya ay lumaki sa pangangalaga ng kanyang Pinay na lola. Ang kanyang ina ay isang Irish-Filipino.

“I think I might be the first recipient who can say ‘Matigas ang ulo ni Lynda, naku po.’ That’s Tagalog. It means ‘hard is the head of Lynda, oh my!’ I grew up with people from the Philippines,” aniya.

Karamihan sa mga cartoon comics na ginawa ni Lynda ay hango sa kanyang kabataan sa Seattle at paglaki sa isang Filipino family.

Screenshot mula sa video ng National Cartoonists Society

Loading…