For now: Mayor Isko suportado ang pagtambak ng ‘white sand’ sa Manila Bay

Imahe mula sa Facebook
  • Suportado ni Mayor Isko ang proyekto ng DENR sa Manila Bay
  • Sa ngayon daw ay wala pa naman siyang nakikitang problema dito
  • Subalit kailangan din nilang pag-aralan ang posibleng masamang epketo ng crushed dolomite sa kapaligiran

Sa ngayon ay walang nakikitang problema si Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa ginagawang pagtambak ng ‘white sand’ sa bahagi ng Manila Bay.

Ang nasabing proyekto, na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P300-M at kinukuwestiyon ng mga environmental groups, ay pinangangasiwaan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ayon kay Mayor Isko, kailangan muna nilang pag-aralan ngayon ang pangamba ng karamihan na posibleng makaapekto sa kapaligirian ang puting buhangin na mula sa crushed dolomite sa Cebu.

Imahe mula sa Facebook ni Mayor Isko

“The next action would be is to really scrutinize the supposed danger of that particular sand to our environment. For the meantime, they have the support of the City of Manila,” anang alkalde.

Giit ni Yorme, ang DENR ang mas nakaaalam pagdating sa tamang paraan kung paano dapat proteksyonan ang ating kapaligiran.

“For now, hangga’t wala naman sigurong nakapagsasaad o nakakapagtibay sa claim ng iilan, may presumption of regularity,” wika ng alkalde.

“Kung sakaling mapatunayan na itong mga nilagay ito ay makapaminsala, I think DENR knows it better than me,” dagdag pa nito.

Imahe mula sa ABS-CBN News

Nagpahayag ng pangamba ang mga environmental groups sa posibleng epekto ng crushed dolomite sa natural na aspeto ng Manila Bay. Bukod dito, maaari daw na nagsasayang lang ng pera ang gobyerno dahil posibleng tangayin lang ng mga malalakas na alon ang buhangin sa mga darating na araw.

Sa kabila nito, tiniyak naman ng DENR na magkakaroon ng ‘engineering intervention’ sa ginagawang proyekto para mapreserve ang buhangin sa baybayin ng baywalk.

Samantala, nangako naman si Mayor Isko na patuloy pa rin ang malawakang paglilinis ng Manila Bay upang maibalik ang lugar sa dati nitong kaiga-igayang estado ilang dekada na ang nakararaan.

Loading…