Gladys Guevarra tinangayan ng perang pangnegosyo ng kaniyang partner

Mga screenshot mula sa Facebook Live ni Gladys
  • Itinakbo umano ng partner ni Gladys Guevarra ang bahagi ng perang pangnegosyo niya
  • Nag-away daw sila kamakailan na nauwi sa hiwalayan
  • Nangako naman ang komedyante na aayusin niya ang lahat para maisauli ang pera sa customers

Humihingi ng paumanhin sa kaniyang mga customers ang comedienne-singer na si Gladys Guevarra matapos mapilitang kanselin ang lahat ng kaniyang order dahil sa problema nila ng kaniyang partner.

Unang nagpost si Gladys sa kaniyang Facebook wall noong September 1 para ianunsiyo ang pagkansela sa mga order na kakanin na kaniyang ibinebenta online. Walang ibinigay na dahilan ang komedyante kung hindi dahil daw sa ‘hindi inaasahang pangyayari’.

Screenshot mula sa Facebook post ni Gladys

Kinabukasan ay nag-Facebook Live ang singer upang ibahagi ang nangyari sa kanila ng kaniyang partner na si Leon Sumagui.

Ani Gladys, nagkaroon umano sila ng hindi pagkakaunawaan ng kaniyang dating partner na nauwi sa hiwalayan. Kuwento nito, ang personal bank accounts at GCash ni Leon ang ginagamit nila sa negosyo at doon pumapasok lahat ng bayad sa mga orders.

Pumayag naman daw siya ‘out of trust’ at ‘out of good faith’ dahil nga magpartner at magkarelasyon naman sila.

Imahe mula sa PEP.ph

“Ito pong hindi inaasahang kadahilanan ay medyo hindi kami nagkaroon ng magandang pag-uusap from last night, hindi kami nagkaunawaan, hindi kami nagkaintindihan,” ani Gladys. “Dumating po kami sa puntong, okay, fine, hiwalay na po kami today. Wala na po kami today.”

Matapos ang kanilang hiwalayan, sinikap umano niyang mabawi ang perang nasa accounts ni Leon dahil ayaw niyang masira ang kaniyang pangalan.

Mabuti na lamang at nabawi niya ang bahagi ng perang ibinayad ng customers subalit mayroon pa raw siyang hindi nakukuha.

“Some of it tinakbo na talaga dahil ayaw nang sumagot ngayon, ayaw nang ibigay, ayaw nang sumagot ng tawag,” dagdag pa ng komedyante.

Bukod dito sinira rin daw ni Leon ang record ng kaniyang business transactions sa computer at ito ang dahilan kung bakit nahihirapan siyang gumawa ng paraan para maibalik ang pera.

Screenshot ng Facebook Live ni Gladys

May mensahe rin si Gladys sa kaniyang dating partner na tinawag niyang ‘walang kuwentang tao’.

“Bawat kibot sa ‘yo pera…” ani Gladys. “Grabe ‘tong ginawa mo sa akin, Leon, grabe.”

Tiniyak naman ng komedyante na ibabalik niya ang perang naibayad na ng mga kustomer at ititigil niya muna ang pagtanggap ng orders.

I-click ang larawan sa ibaba para mapanood ang buong Facebook Live in Gladys:

Loading…