Gobyerno determinadong ma-flatten ang COVID-19 curve ngayong September

Imahe mula sa IMT
  • Determinado ang pamahalaan na ma-flatten ang COVID-19 ngayong September
  • Dapat umanong makipagtulungan ang mga LGUs sa national government upang makamit ito
  • Sinabi naman ng UP expert na sa totoo lang ay nag-flatten na ang curve ng COVID-19 infections

Determinado ang pamahalaan na ma-flatten ang COVID-19 curve ngayong buwan ng Setyembre, ayon kay Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Imahe mula sa DND

“Ang ating layunin sa buwan na ito ay mag-flatten tayo o ‘di kaya mas maganda kung maibaba natin iyong curve para siguro pagkatapos ng buwan ng Setyembre ay makapunta na tayo sa MGCQ (modified general community quarantine) at medyo maluwag-luwag ang buhay ng mga tao,”  ani Lorenzana, ang chairman ng National Task Force Against COVID-19.

Sabi niya, napakaimportante ng papel na gagampanan ng mga local government units, lalo na ang mga barangay, na siyang magpapatupad ng mga quarantine protocols at health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, social distancing at iba pang mga bagay na makatutulong sa patuloy na pagbaba ng bilang ng mga COVID-19 cases.

Kaugnay sa pag-flatten ng COVID-19 curve, sinabi ng mga eksperto mula sa University of the Philippines na sa totoo lang ay na-flatten na ang curve ng COVID-19 infections.

Screenshot mula sa ANC video

“Actually na-flatten na siya,” pahayag ni Dr. Guido David of the UP OCTA Research Team.

Aniya, less than 1 na lang ang pinakahuling naitalang reproduction rate ng COVID-19 infection.

“It’s about 0.94 when we last checked it using the latest data from mga 0.99 last week. So, nagde-decrease pa siya, and that is very good news. Ibig sabihin na su-sustain natin ‘yung flattening of the curve,” masayang pagbabalita ni Dr. David.

Ang isa pang indicator na nagfa-flatten na ang curve, ani Dr. David, ay ang pagbaba ng positivity rate.

Aniya, mula sa dating average na 4,000 kada araw ang nagpopositibo ay bumaba ito sa 3,000 daily average.

Screenshot mula sa ANC video

Nagbabala siya na hindi pa nararapat na magdiwang ang mga tao dahil maaari pang mabaliktad ang trend kung hindi mag-iingat dahil hindi pa naman nawawala ang COVID-19.

“Of course, we would like to remind people not to be overly excited dito sa flattening of the curve. Yes, we’re seeing it, pero the trends are not irreversible. We can always reverse the trend at any time. Ibig sabihin, we can have another surge,” paliwanag ng Up expert.

“’Wag tayo na lang maging excited na, ‘Oh, trends are looking good, so let’s loosen restrictions.’ I’m not saying we can’t, pero we have to evaluate this carefully,” sagot niya sa tanong kung maaari nang ilagay ang Metro Manila sa pinakamaluwag na modified general community quarantine.

Imahe mula sa IMT
Source :

ABS-CBN, Inquirer

Loading…