Golf course sa Cavite na nagdaos ng tournament sa gitna ng pandemya ipinasara

Imahe mula sa Facebook page ng Sherwood Hills Golf Club
  • Ipinasara ni Cavite Gov. Jonvic Remulla ang Sherwood Hills Golf Club
  • Nagsagawa ng unauthorized tournament ang golf club members kahit ipinagbabawal sa ilalim ng IATF guidelines
  • Magdedesisyon si Gov. Remulla kung kailan muli papayagang magbukas ang golf course kapag nagbigay na ng pahayag ang golf club management

Sa bisa ng isang executive order ay ipinasara ni Cavite Governor Jonvic Remulla ang Sherwood Hills Golf Club dahil sa pagdaraos ng 91 members nito ng unauthorized tournament sa gitna ng umiiral na pandemya.

Gov. Jonvic Remulla/Imahe mula sa Facebook account ni Gov. Jonvic Remulla

Ayon sa Facebook post ng gobernador, tinangka pa umano ng golf club members na magpalusot at tinawag na “Members’ Day” ang naturang event. Katwiran pa umano ng mga ito ay wala namang mga trophy, award, score card at papremyo ang laro kaya hindi raw iyon matatawag na tournament.

“Last week, 91 members of the Sherwood Hills Golf Club along Governor’s Drive in Trece Martires City, conducted an unauthorized “tournament” in the guise of a “Member’s Day” event. The members tried to circumvent the rules by claiming that there were no trophies, awards, score cards nor prizes. They made it appear that only token gifts were provided to the participants,” saad ni Gov. Remulla sa kanyang social media post.

Aniya, sa katunayan ay gumamit pa raw ng “shotgun” start ang tournament participants. Ang ibig sabihin nito ay sabay-sabay nagsimula ang mga kalahok gamit ang iba-ibang holes sa halip na salitan mula sa No. 1 tee hole. Sa pamamagitan nito ay mas mabilis ang tournament at halos sabay-sabay matatapos ang paglalaro ng mga participants na hinati-hati sa grupo.

Imahe mula sa Facebook page ng Sherwood Hills Golf Club

Ipinaliwanag ng gobernador na sa ilalim ng patakaran ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, hindi pinapayagan ang “organized play” sa mga lugar na nasa ilalim ng quarantine.

Magdedesisyon si Gov. Remulla kung kailan muli papayagang magbukas ang golf course kapag nagbigay na ng pahayag ang golf club management.

Nagpahayag ang general manager ng Sherwood Hills Golf Club at sinabing agad nilang itinigil ang operasyon bilang pagtalima sa kautusan ng gobernador.

Screenshot mula sa Teleradyo video

 

 

Source :

Facebook, ABS-CBN

Loading…