Gumuhong bahagi ng Skyway Stage 3 napalitan na ng DPWH

Imahe mula sa DPWH
  • Napalitan na ang gumuhong bahagi ng Skyway Stage 3
  • Sinabi ni Sec. Mark Villar na 88.72% complete na ang proyekto
  • Sa oras na matapos ang Skyway Stage 3, ang biyahe sa pagitan ng Buendia sa Makati City at Balintawak sa Quezon City ay magiging 15-20 minutes na lang mula sa dating 2 hours

Inanunsyo ni Secretary Mark Villar ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na ang bahagi ng Metro Manila Skyway Stage 3 na gumuho ay napalitan na.

Imahe mula sa Facebook account ni Sec. Mark Villar

Ayon sa kalihim, minadali ng concessionaire na Citra Central Expressway Corporation ang civil works ng proyekto upang mahabol ang hindi inaasahang pagkakaantala nito sanhi ng naganap na malaking sun0g sa isang warehouse sa Pandacan, Maynila malapit sa ilalim ng Skyway Stage 3 noong Pebrero ng taong kasalukuyan.

“As of latest report, lower and upper coping beams for pier 3, 4, 5 were reconstructed, and deck slab for spans 5 and 6 were completed as well. These were the burned sections from the fire incident,” sabi ni Secretary Villar.

Tinatayang aabot sa labinlimang milyong piso ang halaga ng napinsala sa proyekto.

Kabilang ang napalitang bahagi, sinabi ni Sec. Villar na nasa 88.72% complete na ang Skyway Stage 3. Hindi kabilang dito ang Section 2A o ang Tomas Claudio-PUP Sta. Mesa segment na ang civil works ay hindi pa nasisimulan.

Imahe mula sa Facebook account ni Sec. Mark Villar

“We are intensifying our road right-of-way acquisition so we may soon begin construction at Section 2A. So far, we have acquired 231 out of the 350 lots that need to be acquired with permit to enter,” ani Sec. Villar.

Sa sandaling makumpleto na ang 18.83-kilometer Skyway Stage 3 ay mababawasan ang travel time sa pagitan ng Buendia sa Makati City at Balintawak sa Queaon City. Mula sa dating dalawang oras ay iikli ang biyahe sa 15 -20 minutes na lang.

Imahe mula sa DPWH

Loading…