Guro: “Kami lang teachers sa Pilipinas ang may pinakamaraming GC”

  • May birong litanya ang isang guro
  • Mga teachers lang daw yata ang may pinakamaraming GC sa Pilipinas
  • Ang GC ay tumutukoy sa group chat sa mga social media o messaging apps

Kung nahihirapan ang mga mag-aaral at magulang sa bagong modality ng pagtuturo na “online class” o virtual learning, higit na malaking hamon ang pinagdaraanan ng mga guro, na maituturing ding frontliners dahil wala rin silang tigil sa paghahanda ng mga kagamitang panturong gagamitin ng mga mag-aaral sa muling pagbubukas ng mga klase sa pampublikong paaralan, sa darating na Oktubre 5, 2020.

Mabuti na lamang at sa panahon ng makabagong teknolohiya, nauso rin kahit paano ang social media at paggamit ng internet dahil mas mabilis ang komunikasyon, koordinasyon, at pakikipag-ugnayan sa mga katrabaho, kaopisina, at maging mag-aaral sa pamamagitan ng group chat o “GC.” Biro ng isang gurong nagngangalang “Ladge Aton Galano Cy” sa kaniyang Facebook post, mga teachers yata ang may pinakamaraming GC sa Pilipinas.”

Imahe mula sa Facebook account ni Ladge Aton Galano Cy / Public Domain Image

Dahil dito, bawal daw magkamali o malito sa pagse-send o pagpapadala ng mensahe sa mga group chats dahil baka magkamali at mabasa pa ng iba ang mensaheng hindi naman laan para sa kanila.

Marami naman sa mga netizens ang nakaugnay dito.

“Yes tama naman, kaya ingat-ingat sa pagse-send, dapat i-check muna kasi baka mamaya kay Principal maipadala ang mensahe, lagot na!” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “One of the perks ng technology ang pagkakaimbento sa social media, lalo na ang mga apps na nagpapadali sa trabaho. Imagine, kung wala ang group chat, kailangan mo pang mag-send to all isa-isa. Magastos iyon at kain sa oras.”

“Dati, noong wala pang GC, may GM naman o group message sa text. Ilalagay mo sa group ang mga contacts mo sa phone tapos send to all/many na. Tapos kapag magrereply din sila, ganoon din, reply to all din para mabasa ng lahat. Kaka-miss din ang ganoon, pero malaking convenience talaga ang dulot ng mga GC kasi napapagaan ang buhay-trabaho when it comes to communicationa and coordination.”

Public Domain Image

Upang hindi malito sa sandamakmak na GC, makabubuting lagyan ito ng logo at lagyan ng unique na title o pamagat.

Source :

Facebook

Loading…