Halaman, gustong bilhin sa halagang sampung milyong piso

Screenshot mula sa KMJS video
  • Nakaaaliw ang pagtatanim ng halaman ngayong may pandemya dahil nakaaalis ito ng pagkabagot at stress
  • Dahil sa taas ng demand ay tumaas din ang presyo ng mga halaman
  • May isang halaman na nagkakahalaga ng isang milyon na gustong bilhin ng isang plant lover sa halagang P10 million

Maraming mamamayan ang nahahalina sa pagtatanim ng mga halaman dahil sa pandemya. Pampaalis daw ng pagkabagot sa community quarantine na ilang buwan nang ipinaiiral sa bansa dahil sa COVID-19 outbreak.

Screenshot mula sa KMJS video

Naimbento rin ngayon ang mga salitang plantito at plantita na ang ibig sabihin ay mga taong mahilig sa pag-aalaga ng mga halaman. Kasabay ng mataas na demand sa mga halaman ngayon ang pagtaas din ng presyo ng mga ito.

Tila kayamanan na nga kung ituring ng iba ang mga alaga nilang mga pananim. Maging ang mga kawatan ay ito na rin ang pinag-iinteresan.

May isang halaman na binansagang “celebrity plant” ang may sarili pang ‘kulungan’ upang maproteksyunan iyon sa mga nagkakainteres. Madalas umano itong maitampok sa mga exhibit sa ilang shopping malls.

Ayon sa may-ari nito, may mga guwardiya pa raw na in-assign noon na magbantay sa halaman upang hindi malapitan ng mga tao sa isang exhibit sa mall.

Ang tinaguriang celebrity plant ay isang uri ng succulent na ang pangalan ay BG Regale. Resulta umano ito ng mutation breeding. Kaya raw mahal ang presyo ng naturang halaman ay dahil malaki raw ang ginastos sa proseso ng breeding.

Screenshot mula sa KMJS video

Isang milyon ang halaga ng BG Regale, pero sinabi ng may-ari na marami na ang nag-alok sa kanya ng mas malaking halaga para sa kanyang tanim.

“May mga offer, P1,500,000; P1,700,00; P1,900,00,” anang may-ari ng BG Regale.

May gusto rin daw bumili niyon sa halagang sampung milyong piso subalit iginiit niya na hindi raw iyon ibinebenta.

Source :

GMA Network

Loading…