Harry Roque naniniwalang pang-world-class ang ganda ng Manila Bay

  • Pang-world-class ang ganda ng Manila Bay
  • Iyan ang paniniwala ni Presidential Spokesperson Harry Roque bilang pagtatanggol sa DENR na mapaganda ito
  • Sinimulan na noong Huwebes ang pagbuhos ng mga crushed dolomite boulders na mistulang pino at puting buhangin sa Boracay beach

Malaki ang paniniwala ni Presidential Spokesperson Harry Roque na magiging world-class ang ganda ng Manila Bay kapag natapos na ang proyekto ng Department of Environment and Natural Resources o DENR sa rehabilitasyon o pagpapaganda nito sa pamamagitan ng paglalagay ng crushed dolomite boulders na magmimistulang “white sand” o puting buhanginan sa sikat na “Boracay beach” na isa sa mga pangunahing tourist spots ng bansa.

Ayon kay Roque, “Manila Bay is known for its sunset, probably the best sunset in the world. With the white beach there, it’s going to be one of the most picturesque scenery in the whole world.”

Public Domain Image

Dagdag pa niya, may nakalaan na talagang pondo para dito bago pa man maganap ang pandemya ng COVID-19 kaya walang dapat ipag-alala ang mga pumupuna, na kesyo may kinakaharap na malaking suliranin ang bansa, subalit tila nasa ibang pokus ang pamahalaan.

“This forms part of the cleaning up of the Manila Bay Rehabilitation Program with an allocated budget, which began even before the outbreak of the COVID-19 pandemic,” ani Roque.

Noong Huwebes, Setyembre 3, sinimulan ng DENR ang pagbuhos ng mala-white sand na crushed dolomite boulders sa 500-meter stretch ng baybayin ng naturang look sa Maynila, malapit sa Baywalk strip sa kahabaan ng  Roxas Boulevard.

Ang proyektong Manila Bay Rehabilitation Program na inilunsad ni DENR Secretary Roy Cimatu noong Enero 2019 ay may basbas ng Korte Suprema, na naglalayong buhayin ang Manila Bay bilang isang tourist spot, at bilang pangangalaga na rin sa kalikasan.

Public Domain Image

Ayon naman sa Department of Public Works and Highways o DPWH, ang allocated budget sa naturang proyekto ay 397.9 milyong piso, na sadyang nakalaan para sa  “beach nourishment, coastal restoration at pagpapaganda sa Manila Baywalk area. Target ng DENR na matapos ito bago ang Setyembre 19, 2020 , na lalapat naman sa International Coastal Cleanup Day.

Loading…