Healthcare facilities binalaan sa improper disposal ng medical wastes

Imahe mula sa Manila PIO
  • Nagbabala ang DOH at DENR sa improper disposal ng mga medical wastes
  • Posibleng matanggalan ng lisensya ang mga health facilities kung patuloy na nilalabag ang healthcare waste disposal protocols
  • Ang babala ay kasunod ng napaulat na daan-daang rapid test kits ang nakitang nagkalat sa kalye sa Maynila

Nagbabala ang Department of Health (DOH) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mga healthcare facilities na hindi sumusunod sa proper disposal ng mga medical wastes.

Imahe mula sa Twitter

Inisyu ni DOH Undersecretary Ma. Rosario Vergeire ang warning kasunod ng napaulat na daan-daang nagamit nang rapid test kits na nakitang nagkalat sa España Boulevard corner M. De la Fuente Street sa Sampaloc, Manila kamakailan lang.

“There is a sanction for all of these healthcare facilities na hindi nila tinatapon nang maayos ang kanilang waste. Let us try to understand na ito pong mga rapid test kits na ito, ito po ay healthcare waste,” ani USec. Vergeire.

“Katulad niyan nalaglag doon sa kalye o baka hinahawakan lang ng mga nagkokolekta na walang gloves and they can easily get infections and there’ll be harm among the people,” sabi pa niya.

Imahe mula sa DOH

Tulad ng DOH, nagpaalala rin sa publiko ang DENR tungkol sa wastong pagtatapon ng mga hazardous wastes.

“Let me remind everybody that we already have the right process for disposing of these special wastes. What we are saying is very simple. Just put the hazardous healthcare waste in a labeled container or put it in a yellow trash bag,” pahayag naman ni DENR Undersecretary for Solid Waste Management and Local Government Units Concerns na si Benny Antiporda.

Bukod sa mga test kits, ang mga personal protective equipment na ginamit ng mga health frontliners at iba pang mga bagay na ginamit sa panggagamot sa mga pasyente ay dapat ding itapon sa tamang paraan na sinusunod ang healthcare waste disposal protocols.

Imahe mula sa Manila PIO

Sa unang paglabag ay warning muna ang ibibigay sa mga violators. Sa ikalawang paglabag ay sususpindehin ang operasyon at sa ikatlo ay tatanggalan na ng lisensya.

Loading…