Healthiest at safest workplace sa buong Southeast Asia nasa Metro Manila

Imahe mula sa Menarco Development Corporation
  • Ang tinaguriang healthiest at safest building sa buong Southeast Asia ay matatagpuan sa Metro Manila
  • Ang Menarco Tower sa Bonifacio Global City ay kinilala ng IWBI dahil natugunan nito ang 5-point criteria para sa WELL Health-Safety Rating for Facility Operations and Management
  • Ang Menarco Tower ang ikalawa sa buong mundo na nagkamit ng pagkilala mula sa IWBI, kasunod ng Yankee Stadium na matatagpuan sa New York City sa Amerika

Kinilala ng International WELL Building Institute (IWBI) ang isang gusali sa Pilipinas bilang healthiest at safest building sa buong Southeast Asia.

Imahe mula sa Menarco Development Corporation

Ang Menarco Tower na matatagpuan sa Bonifacio Global City sa Taguig City ay isang 32-storey building na sinertipikahan at kinilala noong September 24, 2020 sa New York City bilang kauna-unahang gusali sa Southeast Asia para sa WELL Health-Safety Rating for Facility Operations and Management dahil sa pagpapatupad nito ng limang pamantayan.

Ang 5-point criteria na itinakda ng IWBI na nakamit ng Menarco ay ang mga sumusunod:

  • Cleaning and sanitation procedures
  • Emergency preparedness programs that include plans for both staff and visitors and re-entry process
  • Health service resources including provisions for sick leaves and mental health recovery
  • Air and water quality management
  • Stakeholder engagement and communications resources to promote health and wellness

“We are proud to see Menarco take another step in its WELL journey, demonstrating a continuous commitment to supporting people’s health, safety and well-being,” mensahe ni Rachel Gutter, ang president ng IWBI.

Imahe mula sa Menarco Development Corporation

Ang programang ito ng IWBI na kailan lang inilunsad ay naglalayong gabayan at hikayatin ang mga negosyante, maliit man o malaki, na gumawa ng mga hakbang upang unahin at bigyan ng prayoridad ang kalusugan at kaligtasan ng kanilang mga empleyado, bisita at stakeholders.

Ang Menarco Tower ang ikalawa sa buong mundo na nagkamit ng pagkilala mula sa IWBI, kasunod ng Yankee Stadium na matatagpuan sa New York City sa Amerika.

Source :

Bernama, Philstar

Loading…