“Hero Rat” pinarangalan sa Cambodia

  • Isang daga ang pinarangalan sa Cambodia
  • Siya ay si Magawa, The Hero Rat
  • Katuwang siya ng mga awtoridad sa paghahanap ng mga bomba o landmine

Sa unang pagkakataon, nagawaran ng parangal ang isang daga na itinuturing na “Hero Rat” ng isang kilalang organisasyon para sa mga hayop dahil sa ginawa nitong paghahanap sa mga nakakubling bomba sa lupa o landmine sa bansang Cambodia.

Batay sa virtual presentation ng grupong People’s Dispensary for Sick Animals o PDSA na nakabase sa United Kingdom na pinangunahan ni John Smith, iginawad ang medalya ng kabayanihan sa hero rat na si “Magawa.”

Public Domain Image

77 taon na silang nagbibigay ng pagkilala sa kabayanihan ng mga hayop, subalit ngayon lamang sila nakapagbigay ng medalya sa isang daga, na karaniwang  iniiwasan ng nakararami.  Ang tumanggap ng parangal ay ang tagasanay nito na si Apopo.

Umabot na umano sa 39 na landmine at 28 na iba pang uri ng pampasabog sa Cambodia ang natuklasan dahil kay Magawa. Dahil magaan naman ang katawan kung ihahambing sa mga tao, wala pa umanong insidente na may napahamak na daga sa paghahanap ng landmine.

Sa paghahanap ng mga ito, itinatali at palalakarin sa lupa si Magawa upang maghanap sa pamamagitan ng pag-amoy sa bomba. Kapag may naamoy, bahagya siyang huhukay.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Buti pa ‘yung daga nila talented, ‘yung mga daga rito sa Pilipinas puro kalkal-basura at ngatngat-damit lang ang alam,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Magawa deserves an award from UN or a Nobel… he is so amazing! I love you already, Magawa!”

“Akala ko nakakatawa bakit naging hero ang daga. Pero noong nabasa ko whole story, isa talaga siyang HERO. Amazing rat!” wika naman ng isa.

Public Domain Image

Tulad ng mga aso, may takdang panahon din sa pagreretiro ang mga daga. Kapag dumating ang panahon na ito, ilalagay sila sa retirement home at aalagaan.

Source :

Facebook, NPR Org

Loading…