‘Hindi patitinag’: MTRCB itutuloy pa rin ang planong i-regulate ang mga online streaming platforms

Imahe mula sa Wikipeadia/ABS-CBN News
  • Itutuloy pa rin ng MTRCB ang kanilang plano na salain ang mga palabas sa mga online video streaming paltforms
  • Ginagawa lamang daw nila ang kanilang trabaho ayon sa nasasaad sa batas
  • Matagal na umano silang nakikipag-usap sa mga VOD providers at sang-ayon naman ang mga ito

Kahit kaliwa’t-kanang batikos ang natatanggap, itutuloy pa rin umano ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang plano nitong salain ang mga palabas sa mga online streaming platform gaya ng Netflix, iFlix, HBO Go, Amazon Prime at iba pa.

Sa panayam kay MTRCB chair Rachel Arenas sa “The Chiefs” ng One News, sinabi ng opisyal na hindi sila matitinag ng mga kritisismo mula sa publiko at maging sa ilang opisyal ng gobyerno dahil nais lamang nilang ipatupad ang batas.

Screenhot mula sa Facebook video ng BolJack

“Not because it’s impractical we’re not going to pursue what is written in the law. Slowly, we have to do something about it, and that’s what we’ve been working on for almost a year now,” paliwanag ni Arenas.

Sa katunayan daw, mahigit isang taon na silang nakikipag-usap sa mga ‘vidoe-on-demand’ (VOD) providers tungkol sa planong ito at sang-ayon naman daw ang mga ito sa kanilang hakbang.

Giit pa ni Arenas, kailangang i-regulate ang mga palabas mula sa VOD providers upang maging sang-ayon ito sa klasipikasyon ng MTRCB at sa iba’t-ibang kultura sa bansa.

“Based on our guidelines, you classify, you give your ratings aligned with our rating and then we’ll just do post-monitoring,” pahayag ni Arenas sa hiwalay na panayam.

Imahe mula sa Noypi Geeks

“It will be a post-monitoring. We’re not going to review all their materials before they show it… When we do monitoring and then their classification is not aligned with us, that’s the time we’re going to call on them,” dagdag pa nito.

Samantala, pinayuhan naman ni Senador Sherwin Gatchalian ang MTRCB na palakasin na lamang ang ‘self-regulation mechanism’ ng mga video streaming platforms sa halip na ipilit pang sila ang mag-regulate ng mga palabas nito.

Imposible raw na magawa ng MTRCB ang ganitong trabaho dahil hindi nila mapapanood ang lahat ng palabas na napapanood sa Netflix, Iflix at iba pa.

Loading…