Hiram ko lang siya: Ina ni Lloyd Cafe Cadena, nagsalita sa unang pagkakataon

Imahe mula sa video via YouTube | Mother Kween
  • Nagpasalamat ang ina ni Lloyd Cafe Cadena sa lahat ng nagpakita ng pagmamahal at suporta sa kanila sa pagpanaw ng kaniyang anak
  • Aniya, sumailalim silang lahat sa swab test at negatibo naman ang kanilang resulta
  • Nangako rin siyang ipagpapatuloy ang kaniyang YouTube channel at magbibigay ng update sa ipinagagawang bahay

Sa unang pagkakataon matapos ang malungkot na pagkawala ng vlogger na si Lloyd Cafe Cadena ay nagsalita ang kaniyang inang si Lorita Cadena o Mother Kween.

Imahe mula sa video via YouTube | Mother Kween

Una ay pinasalamatan niya ang lahat ng mga nagmamahal kay Lloyd kabilang na ang Cadenators, ang kaniyang mga kaibigan, at mga kapwa vlogger at content creator.

Marami ang nag-aalala sa kanilang kalusugan matapos nilang kumpirmahin na nag-positibo si Lloyd sa COVID-19 ngunit sabi ni Mother Kween, sumailalim silang lahat sa swab test at negatibo naman ang kanilang resulta.

Ngunit pag-amin niya, nasa punto pa sila na hindi pa ganap na tanggap ang pagkawala ni Lloyd kaya hiling nila, sana ay ipanalangin nila ang kaluluwa nito.

“Mahirap mang tanggapin, tanggapin na lang natin kasi alam kong mahal si Lloyd ng Panginoon kaya kinuha na siya. Although mahirap sa aming family, wala na kaming magagawa dahil hiram lang naman si Lloyd. Hiram ko lang naman si Lloyd,” dagdag niya.

Imahe mula sa video via YouTube | Mother Kween

Hiling din ni Mother Kween, sana ay patuloy na suportahan ng mga manonood ang kaniyang vlogs kahit na hindi niya na rito makakasama ang kaniyang anak. Magbibigay raw siya ng update sa ipinagagawa nilang bahay.

“Sa ngayon, stop muna yung construction. When the construction starts again, i-update ko kayo kasi tutuparin namin kung anong gusto ni Lloyd sa bahay,” pangako niya.

Humingi rin siya ng tulong sa pagre-report ng mga pekeng account niya na nauna pa raw magsalita sa kaniya tungkol sa pagkawala ni Lloyd.

“’Yong mga nakikita kong gumagamit ng pangalan ko, pangalan ni Lloyd, ‘wag naman kayong ganoon kasi… sa akin na magulang, hindi naman maganda na gamitin mo yung pangalan ko. Una pa kayong nagsalita sa akin. This is my first time na nagsalita. Never pa,” aniya.

Pinaalalahanan din ni Mother Kween ang lahat na manatili sa kanilang tahanan habang may pandemya pa.

“‘Wag kayong mag-alis alis. Mag self-quarantine na lang tayo dahil hindi natin alam kung hanggang saan itong pandemic kaya stay at home and always pray.”

Panoorin ang kaniyang video:

Source :

YouTube

Loading…